December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Magnitude 7.6 na lindol, tumama sa Japan; walang tsunami threat sa ‘Pinas

Magnitude 7.6 na lindol, tumama sa Japan; walang tsunami threat sa ‘Pinas
Phivolcs

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang pagyanig ng magnitude 7.6 na lindol sa bansang Japan noong Lunes ng gabi, Disyembre 8.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang naturang malakas na lindol sa Hokkaido sa Japan bandang 10:15 ng gabi (oras sa Pilipinas). 

Samantala, ayon sa Japan Meteorological Agency, naitala ang epicenter ng lindol sa baybayin ng Aomori sa Hokkaido na may lalim na 50 kilometro.

Naglabas din sila ng tsunami warnings sa Hokkaido, Aomori, at Iwate.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Sa ulat ng Associated Press, nasa 23 katao ang sugatan matapos ang malakas na lindol.