December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Lalaki, babaeng housemates pinaghiwa-hiwalay na sa Bahay ni Kuya

Lalaki, babaeng housemates pinaghiwa-hiwalay na sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: Screenshots from PBB (YT)

Nagbaba ng bagong patakaran si Kuya sa loob ng kaniyang Bahay para paghiwa-hiwalayin ang mga lalaki at babaeng housemates.

Sa latest episode ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 noong Lunes, Disyembre 8, inutusan ni Kuya ang mga housemate na pumasok sa kani-kanilang kwarto saka inabisuhan.

“Mula ngayon, ang mga kasama n’yo lamang sa inyong mga kwarto ay ang tanging mga housemates na pwede ninyong makausap at makita," ani Kuya.

Dagdag pa niya, "Ibig sabihin pinagbabawalan ko na kayo nang makausap at makita ang mga tao na nasa kabilang kwarto, mula ngayon hanggang sa oras na itatakda. Mula sa sandaling ito, pinaghihiwalay ko ang mga lalaki at ang mga babae."

'Personal ang pagboto!' Romnick, 'di nag-eendorso sa mga anak ng politikong iboboto

Halo-halong reaksiyon tuloy ang narinig mula sa mga housemate matapos marinig ang tungkol dito. 

Sabi ni Kapuso housemate Princess Aliyah, “Siyempre, may mami-miss ako do’n.”

“Naisip ko agad, Kuya, si Princess. Nalungkot ako, Kuya,” saad naman ni Kapamilya Fred Moser. 

Matapos maianunsiyo ang bagong patakaran sa Bahay ni Kuya, pinalabas na sila sa kani-kanilang kwarto. Pinapunta ang mga lalaking housemate sa living room samantalang sa swimming pool naman ang kababaihan. 

Matatandaang binanggit kamakailan ni Kapamilya housemate Carmelle Collado kay dating PBB housemate Shuvee Etrata na tila naaalarma sila sa hirit na green jokes ng ilang kalalakihang housemates.

“Hindi naman siya tampo, it's like a concern po, kasi not all the people here inside the house hindi mage-gets ang mga jokes nila," lahad ni Carmelle.