December 12, 2025

Home BALITA National

Court of Appeals, mamatahan bank accounts, air assets ng ilang kumpanya, indibidwal—PBBM

Court of Appeals, mamatahan bank accounts, air assets ng ilang kumpanya, indibidwal—PBBM
Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Naglabas na ng freeze order ang Court of Appeals sa mga bank accounts, ari-arian, at air assets ng mga kumpanya at indibidwal na sangkot umano sa flood control projects. 

Ayon sa bagong video statement na isinapubliko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Disyembre 9, tinukoy niyang ang mga kumpanyang Silverwolves Construction Corporation, Sky Yard Aviation Corporation, sina Congressman Eric Yap, at Edvic Yap ang dawit sa nasabing utos ng Court of Appeals. 

“Sakop ng freeze ang mga account at ari-arian ng Silverwolves Construction Corporation at Sky Yard Aviation Corporation pati na rin ang mga personal account at asset ng mga indibidwal na nasangkot sa imbestigasyon kabilang ay si Congressman Eric Yap at Edvic Yap,” aniya. 

Ani PBBM, aabot sa mahigit ₱16 bilyon ang pumasok sa mga transaksyon ng kumpanyang Silver Wolves na may kaugnay sa flood control projects sa ahensya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mulla noong 2022 hanggang 2025. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“May mahigit 16 billion [pesos] na ang pumasok sa mga transaksyon ng Silver Wolves mula 2022 hanggang 2025 na karamihan ay may kaugnayan sa mga flood control project ng DPWH,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Kabuuang 280 bank account, 22 insurance policies, 3 securities accounts, at 8 sasakyang panghimpapawid kabilang ang mga eroplano at helicopter na konektado sa Sky Yard Aviation.” 

Pagpapatuloy ng Pangulo, mahalaga raw ang pag-uutos ng freeze order para sa mga bank account at ari-arian ng mga sangkot upang maibalik sa gobyerno ang bawat pisong nananakaw umano ng mga nasabing kumpanya at indibidwal. 

“Kailangan natin ng mga freeze order na ito para hindi maibenta ang mga ari-arian at para maibalik at pra maibalik natin sa ating mga kababayan bawat pisong pinaghihinalaang ninakaw,” pagdidiin niya. 

Samantala, ibinahagi rin sa publiko ni PBBM na mayroon na raw walong indibidwal na sangkot sa flood control projects sa Davao Occidental ang nagpadala ng liham at hanggang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI). 

“Mayroon ding walong taga DPWH sa Davao Occidental na nagpadala na ng sulat na sila ay magsu-surrender sa NBI dahil sa mga kinakaharap nilang kaso,” pagtitiyak pa ng Pangulo. 

Matatandaang nauna nang ibahagi sa publiko ni PBBM ang mga sangkot kaugnay sa natuklasan ng Office of the Ombudsman sa “ghost project” sa Davao Occidental.

MAKI-BALITA: 'Marami pang magpapasko sa kulungan!' PBBM, aaksyunan natuklasang ghost projects sa Davao Occidental

“Nais kong ilahad sa inyo ang mga natuklasan ng Office of the Ombudsman kaugnay sa reklamo ng DPWH ukol sa isang flood control project Culaman, Jose Abad Santos sa Davao Occidental,” pagsisimula niya,

Anang Pangulo, aabot daw sa ₱100 milyon ang ipinagkaloob na budget noon sa St. Timothy Construction Corporation ngunit hindi kailanman nasimulan at natapos ang nasabing proyekto.

Lumalabas daw na peke ang mga dokumento, certificate, at inspection report na ibinigay ng mga nasabing sangkot para pabulaanan ang proyekto. 

Ani PBBM, mayroong mga pribado at kilalang mga indibidwal ang sangkot sa nasabing anomalya sa proyekto kabilang na sina Sarah Discaya, Maria Roma Angeline D. Rimando, at iba pa.

MAKI-BALITA: PBBM sa mga bata: 'You are the reason for everything we do'

MAKI-BALITA: VP Sara, napabuntong-hininga sa alok na diyalogo ni PBBM para sa ikabubuti ng PH

Mc Vincent Mirabuna/Balita