December 13, 2025

Home BALITA National

COA, sinita pagbili ng SSS ng 140k tissue sa halagang ₱13-M

COA, sinita pagbili ng SSS ng 140k tissue sa halagang ₱13-M
COA,Pexels

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Social Security System (SSS) dahil sa pagbili ng mahigit 140,000 na rolyo ng tissue paper na nagkakahalaga ng mahigit ₱13 milyon noong 2024. 

Ayon sa mga COA, nasa 143,424 na tissue paper ang binili ng SSS noong 2024 na umabot ang halaga sa ₱13.195 milyon, na ang supply ay lumampas na sa dalawang buwang kinakailangan ng ahensya.

Sinabi rin ng COA na nasa 116,046 na rolyo pa ang nananatili sa kustodiya ng supplier dahil sa kakulangan sa polisiya sa procurement ng supplies at equipment. 

Wala rin daw anumang supporting documents o memorandum of udnerstanding sa pagitan ng SSS at supplier dahil ito ay verbal agreement lang. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Further verification with the supplier revealed that the arrangement with SSS was based solely on a verbal agreement, without any support documentation or formal memorandum of understanding,” anang COA.

Giit pa ng audit body na ang pagbili ng daan-daang libong tissue paper ay hindi naplanong mabuti. Anila, ang halaga ng ginamit sa pagbili ng tissue ay maaari nang mapakinabangan ng nasa 2,000 SSS pensioners o funeral benefits para sa 650 namatay na miyembro.