Dinepensahan ng beteranong radio broadcaster at kolumnista na si Ramon Tulfo ang pagkakadawit ng pangalan ng kaniyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo kaugnay sa ispluk ng isang Vivamax star na may isang senador na nag-alok diumano ng tip sa kaniya na aabot sa ₱250,000 kapalit ng bembangan.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Tip pa lang paldo na!’ Senador, mayor niyaya VMX actress ng bembangan
Ayon sa naging pahayag ni Ramon sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Disyembre 8, sinabi niyang natatawa raw siya sa pagkalat ng nasabing isyu sa hindi pinangalanang senador ng VMX actress na si Chelsea Ylore.
“Natatawa ako sa balitang kumakalat na isang senador ay nag-offer ng indecent proposal sa isang artista (kuno) ng 250k para bembangin ito,” pagsisimula niya.
Pagpapatuloy ni Ramon, hindi raw siya naniniwala sa mga haka-haka na si Sen. Raffy ang tinutukoy ng nasabing VMX aktres dahil “takusa” o takot sa asawa raw ang kaniyang kapatid.
“May mga haka-haka na ang kapatid kong si Raffy ang tinutukoy. Hindi ako makapaniwala sa balita dahil takusa (takot sa asawa) ang kapatid ko kay Jocelyn,” giit niya.
Pero kung ipagpalagay man daw sakaling totoo ang kumakalat na balita, tila wala lang iyon para kay Ramon at mas ikakahiya pa raw niya kung malalaman nanlalaki si Sen. Raffy.
“Pero ipagpalagay na natin na totoo: Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalaki ang kapatid ko gaya ng isang lalaking mambabatas na mahilig sa basketbolista,” aniya.
Pahabol pa niya, “Kung totoo man ang balita—granting but not admitting, ang sabi pa ng mga abogado— eh, ano ngayon?”
Ani Ramon, kilalang galante talaga si Sen. Raffy dahil sa pamimigay nito ng daan-daang libo sa kaniyang programang Raffy Tulfo In Action sa Telebisyon at radyo.
“Sa kanyang bulsa nanggagaling ang pera pinamimigay niya. Kasing galante siya ni Willie Revillame,” ‘ika niya.
Paglilinaw pa ni Ramon, bago pa man daw maging senador ang kaniyang kapatid at maging congresswoman ang asawa nito sa si Cong. Jocelyn Tulfo, mayaman na raw talaga ang mag-asawa.
“Bago pa man naging senador si Raffy at congresswoman si Jocelyn ay mayaman na silang mag-asawa. In fact, ang kanilang combined Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SAL-N) ay ₱1 billion,” pagdidiin niya.
“Ikumpara mo ang kanilang SAL-N na ₱1 billion sa mga SAL-N ng ibang mga pulitiko na maliit na halaga ang idineklara. Don’t you appreciate their honesty?” ‘saad pa ni Ramon.
Mas magiging kapani-paniwala pa raw umano kung siya mismo ang mapapabalitang nag-alok ng indecent proposal.
“Kung ako pa ang napabalita na nag-offer ng indecent proposal, kapani-paniwala pa.
Sa edad kong ito ay tumitigas pa rin at humahanap si manoy ng masasabong… pagtatapos pa niya.
Matatandaang binuking ni Chelsea Ylore ang dalawang politikong nag-alok umano sa kaniya ng indecent proposal.
MAKI-BALITA: ‘Tip pa lang paldo na!’ Senador, mayor niyaya VMX actress ng bembangan
Samantala, wala namang direktang pangalan ng senador na nabanggit ang nasabing aktres.
Mc Vincent Mirabuna/Balita