December 11, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga pelikulang Pinoy na puwedeng panoorin sa ‘Christmas season’

ALAMIN: Mga pelikulang Pinoy na puwedeng panoorin sa ‘Christmas season’
Photo courtesy: Unsplash, IMDb

Ang Christmas season ay ‘reunion season’ para sa pamilyang Pinoy dahil ito ang panahon na kadalasang nagkikita-kita ang bawat isa matapos maging busy sa kaniya-kaniyang buhay ng buong taon. 

Bukod sa kumustahan, bigayan ng mga aguinaldo at videoke showdown, ang panonood ng mga pelikula ang isa sa bonding ng mga pamilya sa panahong ito. 

Mapa-classic man o newly released, narito ang mga pelikulang Pinoy na tiyak ma-eenjoy ng pamilya ngayong ‘Christmas season:’ 

1. Enteng Kabisote (1991-2016)

Human-Interest

ALAMIN: Bagong video games na gawa ng Pinoy Gen Zs

Ang ‘Enteng Kabisote’ ay action comedy film franchise na hindi nawawala sa mga sinehan tuwing Kapaskuhan. 

Sinundan dito ang adventures ni Enteng Kabisote, isang mortal, at asawa niyang si Faye, isang diwata mula sa mundo ng Engkantasya, para protektahan ang kanilang pamilya mula sa iba’t ibang nilalang na nais saktan ang pamilya nila. 

2. Shake, Rattle & Roll (1984-2025)

Para sa pamilya na horror at thrill ang hanap sa Kapaskuhan, swak ang Shake, Rattle & Roll horror franchise para sa kanilang movie marathon. 

Kilala ang horror anthology na ito sa pagkakaroon ng timang timpla ng horror at comedy, na simula 1980’s ay hindi nawawala sa mga sinehan tuwing Kapaskuhan. 

Ang bawat movie installment ay base rin sa mga mitolohiya at kuwentong-bayan sa bansa, at mga paranormal na pangyayari. 

3. Magic Temple (1996)

Sa fantasy-adventure film na ito, sinundan ang paglalakbay at adventures ng tatlong teenagers na sina Jubal, Sambag, at Omar, sa Magic Temple, para iligtas ang mundo ng “Samadhi” mula sa pwersa ng kasamaan. 

Bukod sa mga labanan at nakilala nilang mga nilalang sa paglalakbay, natutunan ng tatlong bata ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan at pakikisama. 

4. Puso ng Pasko (1998)

Sa fantasy comedy-drama na ito, sinundan ang kuwento ni Christopher, na naniniwalang isinumpa siya dala ng mga pangyayari sa pamilya nila. 

Ngunit nagbago ang kapalaran niya ng may diwatang nagbigay sa kaniya at mga kapatid niya ng pagkakataon magsambit ng hiling. 

Ipinakita sa Pinoy Christmas classic na ito ang kuwento ng pamilyang pinagtibay ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa para maprotektahan ang kanilang tahanan. 

5. 9 Mornings (2002)

Sa romantic drama na ito, sinundan ang kuwento ni Gene Ynfante na hindi pa nakaka-usad sa buhay higit isang dekada matapos ang maaksidente ang nobya sa isang aksidente. 

Si Gene ay isang event-organizer na umiikot lamang ang buhay sa pera at pakikipagtalik, kung kaya’t laking tuwa niya nang nalamang makukuha niya ang pamana ng kaniyang lola kapag nakumpleto niya ang siyam na simbang gabi. 

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala ni Gene si Elise, na isang maunawaing preschool teacher, na kagagaling lang sa isang broken relationship. 

6. Kasal, Kasali, Kasalo (2006)

Sa romantic-comedy na ito, sinundan ang kuwento ng mga problemang umusbong dala ng biglaang marriage proposal ni Jed, isang mayamang binata, kay Angie, isang probinsyanang naging TV producer, na nagkakilala lamang sa isang blind date. 

Ipinakita rito ang mga hirap na kaakibat ng buhay pag-aasawa, maging ang mga pagsubok mula sa pagsasanib ng dalawang pamilya. 

7. The Amazing Praybeyt Benjamin (2014)

Sa comedy film na ito, sinundan ang buhay ng sundalong si Benjie, na lubos kinilala ng publiko matapos mailigtas ang bansa mula sa banta ng terorista. 

Dahil sa atensyon na nakuha mula sa kasikatang ito, nakaligtaan ni Benjie ang kaniyang mga obligasyon, kaya para manatili sa ranggo, inatasan siyang maging maging private security ng anak ng isang general na hindi inaasahang may angking kaalaman sa isa pang banta ng terrorist attack. 

8. Saving Sally (2016)

Para sa pamilyang unique at animated film ang hanap, ang Saving Sally ay isang indie film na pinaghalo ang live-action at 2D animation. 

Ipinakita rito ang istorya ni Marty, na isang aspiring comic-book artist na may lihim na pagtingin sa matalik niyang kaibigang si Sally, na isang imbentor ng gadgets. 

Bukod sa kakaiba nitong features, tinalakay rin ng Saving Sally ang ilang isyu tulad ng physical abuse. 

9. The Mall, The Merrier (2019)

Sa fantasy-comedy na ito, sinundan ang kuwento ng magkapatid na sina Moira at Morisette, na pinagtalunan ang ownership para sa isang shopping center, matapos ang pagkamatay ng magulang nila. 

Ang pagtatalong ito ay nagdulot ng mga hindi pangkaraniwang pangyayari matapos makisali ang tiyahin nila para maangkin ang mall. 

Sa paglabas ng mga nilalang mula, nagkaroon din ng buhay ang mga bagay sa mall tulad ng mannequin, na lalong nakadagdag-gulo sa kanilang sitwasyon. 

10. Magikland (2020)

Sa fantasy-adventure na ito, sinunandan ang istorya ng apat na bata, sina Boy, Mara, Kit, at Pat, na nakapasok sa mundo ng Magikland sa bisperas ng Pasko, habang naglalaro sila ng mobile game. 

Ang mga batang ito ay naatasan na iligtas ang Magikland, mula sa masasamang pwersa, sa pamamagitan ng pagharap sa iba’t ibang missions at mga sandata. 

11. The Kingdom (2024)

Para sa pamilyang nais mag-historical trip sa kanilang movie marathon, swak ng The Kingdom na isang action, drama-adventure, na naka-set sa Pilipinas na hindi nasakop ng mga dayuhan. 

Sinundan dito ang kuwento ni Lakan Makisig Nandula, na naghahandang bumaba sa trono, at pumipili na sa mga anak niya na mamumuno sa bansa kapalit niya. 

Ipinakita rin sa pelikulang ito ang mga detalyeng repleksyon ng kulturang Pinoy tulad ng sistemang Baybayin sa pagsulat. 

Sean Antonio/BALITA