December 13, 2025

Home BALITA Metro

Accessible sidewalks, ilalagay ng DPWH at DOTr sa EDSA para sa commuters

Accessible sidewalks, ilalagay ng DPWH at DOTr sa EDSA para sa commuters
Photo courtesy: Department of Transportation - Philippines (Facebook)

Pinaplano ng Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) maglagay ng accessible at walkable sidewalks sa kahabaan ng EDSA para sa mas madali at biyahe ng commuters at pedestrian. 

“Ang pakiramdam ko po ako’y isang mandirigma. Napakahirap po,” saad ni DOTr acting Sec. Giovanni Lopez sa isinagawa nilang joint inspection sa kahabaan ng EDSA nitong umaga ng Martes, Disyembre 9, kung saan, naglakad sila ng apat na kilometro mula sa Ayala Ave., Makati, hanggang sa Roxas Blvd., Pasay. 

Layon din daw ng naging inspeksyon na ito na siguraduhing magkaroon ng ligtas at accessible na sidewalk ang commuters, partikular ang persons with disabilities (PWDs) at senior citizens. 

“Tulad nga po ng sinabi ni Secretary Vince, pagdating sa DOTr, dalawa lang ang utos ng Pangulo. Una, gawing ligtas, pangalawa, gawing maginhawa ang pagbabiyahe ng lahat ng Pilipino, lahat ng tao. Hindi naman po sinabing para lang sa [mga] motorista. So ang ginagawa po namin ngayon ni Secretary Vince, is to make sure may sidewalk tayo para sa ating commuters–ligtas na talagang accessible sa PWDs at senior citizens,” ani Lopez. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Pagsegunda naman ni DPWH Sec. Dizon, gawin nang “commuter-friendly” ang EDSA, bilang tugon sa matagal ng hinaing ng maraming Pinoy na araw-araw nagbabaybay sa EDSA.

“Kung araw-araw mong binabaybay ‘yong EDSA o ‘yong parts ng EDSA, nakaka-stress talaga kung commuter ka. Once and for all, sabi nga ng Pangulo, ayusin na natin ‘to. Tagal-tagal nang ganito ‘to. Dami nang nagrereklamo, wala pa ring nangyayari. Utos niya sa aming dalawa ni Sec. Banoy [Lopez] tsaka ni Sec. Don ng MMDA, gawin na naming pedestrian at commuter-friendly ang EDSA,” segunda ni Dizon. 

Bilang karagdagang tugon, inaasahan na sisimulan sa unang quarter ng 2026 ang magiging renovation sa EDSA.

Sean Antonio/BALITA