Inaprubahan na ng Senado sa kanilang ikatlo at pinal na pagbasa ang aabot sa ₱6.793 trilyon para sa 2026 national budget.
Nakakuha ng 17 affirmative votes, no negative votes at zero abstention mula sa mga senador ang nasabing pag-apruba nila sa national budget para sa susunod na taon nitong Martes, Disyembre 9. 2025.
Narito ang listahan ng mga senador na nag-apruba sa nasabing budget:
Sen. Bam Aquino
Sen. Chiz Escudero
Sen. Jinggoy Estrada
Sen. Win Gatchalian
Sen. Bong Go
Sen. Risa Hontiveros
Sen. Ping Lacson
Sen. Lito Lapid
Sen. Loren Legarda
Sen. Rodante Marcoleta
Sen. Robin Padilla
Sen. Kiko Pangilinan
Sen. Erwin Tulfo
Sen. Raffy Tulfo
Sen. Joel Villanueva
Sen. Migs Zubiri
Senate President Vicente Sotto
Kaugnay nito, sinabi ni Finance Committee Chairperson Senator Win Gatchalian na ilalaan umano ang 2026 national budget para sa pagtataguyod ng transparency at accountability.
Ilan sa nakatakdang paglalaanan ng national budget ang para sa sektor ng edukasyon na aabot sa kabuuang ₱1.37 trilyon at tinatayang 4.5% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Ani Gatchalian, papalakasin din daw ng 2026 national budget ang Zero Balance Billing (ZBB) na programa ng pamahalaan para sa mga ospital na nasa ilalim ng Department of Health (DOH).
Bukod pa rito, layunin din umano nilang palakasin ang disaster recovery para sa mga komunidad sa bansa kung saan aabot sa kabuuang ₱15.33 bilyon ang nakalaan para sa National Disaster Risk Reduction Management Fund na magsusulong sa recovery efforts, pagpaparami ng mga shelter, at pagpapanatili ng mga pangunahing serbisyo sa mga lugar na madalas tamaan ng mga kalamidad.
Samantala, dahil sa mga anomalyang lumitaw sa ahensya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ibinaba nila ang budget ng nasabing ahesnya sa ₱54.2 bilyon at batay na rin umano sa recalibrated costing kasunod ng direktiba ng Pangulo na pababain ang halaga ng mga materyales sa konstruksiyon.
Matapos nito, inaasahang magsasagawa ng bicameral conference committee meeting ang mga miyembro ng House of the Representative simula sa darating na Huwebes, Disyembre 11, 2025 sa Intramuros, Manila.
Habang hindi naman makikitang dumalo sa nasabing sesyon ng mga senador na sina Sen. Pia Cayetano, Sen. JV Ejercito, Sen. Alan Cayetano, Sen. Pia Cayetano, Sen. Imee Marcos, Sen. Mark Villar, Sen. Camille Villar, at Sen. Bato Dela Rosa.
Matatandaang mahigit isang buwan na nang nagsimulang lumiban sa mga sesyon sa Senado si Dela Rosa nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may warrant of arrest na raw ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.
MAKI-BALITA: 'Ano ba talaga, Kuya?' Remulla at Remulla, nagkontrahan sa hakbang ng ICC kay Sen. Bato!
Mc Vincent Mirabuna/Balita