December 13, 2025

Home BALITA National

VP Sara, umaasang mag-udyok ng pagkakaisa ang Kapistahan ng Immaculate Conception

VP Sara, umaasang mag-udyok ng pagkakaisa ang Kapistahan ng Immaculate Conception
Photo courtesy: Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception (website), Inday Sara Duterte (FB screenshot)

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang pag-asa niyang mag-udyok ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad ang Kapistahan ng Immaculate Conception nitong Lunes, Disyembre 8. 

“Today, as we commemorate the Feast of the Immaculate Conception, let us reflect on the spirit of resilience inspired by the Virgin Mary’s life,” panimula ni VP Sara sa isang video message. 

Bilang pagbibigay-galang sa Birheng Maria, kinilala niya ang naging lakas at pagpapakumbaba nito. 

Kaya ayon pa kay VP Sara, sa kalagitnaan ng mga sakuna at sigalot na kasalukuyang nangyayari sa politika at mga mamamayan ng bansa, umaasa siyang magdulot ang pistang ito ng pag-asa at pagsuporta mula sa isa’t isa.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

 “Her strength and humility guide us to uphold values that unite our nation,” aniya. 

“Sa gitna ng mga sakuna, gulo sa politika, at sigalot sa lipunan, nawa'y ang selebrasyong ito ay mag-udyok sa atin na magtanim ng pag-asa, magbigay ng suporta sa isa't isa, at magtrabaho tungo sa pag-unlad,” dagdag pa ng Bise Presidente. 

Sa ngalan din ng kapistahang ito, hinikayat ni VP Sara ang mga Pilipino na patuloy gumawa ng mabuti para sa mas pinalakas at madamayin na bansa. 

“Let us remain steadfast in our beliefs, align our actions for the common good, and together build a stronger, more compassionate Philippines,” panghihikayat ng Bise Presidente. 

“Have a meaningful feast of the Immaculate Conception. Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, para sa bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” saad pa ni VP Sara sa pagtatapos ng kaniyang mensahe. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang ‘Inmaculada Concepcion’ at bakit ito mahalaga sa kulturang Pinoy?

Sean Antonio/BALITA