Habang nagsisimula na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng bansa dahil sa paparating na holiday season, nagbabadya rin ang pagtaas ng presyo ng gasolina simula bukas, Disyembre 9.
Ayon sa mga oil company gaya ng SeaOil, Shell Pilipinas, PetroGazz, Caltex, at CleanFuel, magkakaroon ng ₱1.20 kada litrong pagtaas sa gasolina.
Ang Diesel at Kerosene naman ay walang pagbabago sa presyo.
Sisimulan ng naturang oil companies ang pag-implementa ng price hike simula 6:00 ng umaga maliban sa CleanFuel na magsisimula ng 8:01 ng umaga.