December 13, 2025

Home BALITA

Dalawang magkapatid na babae, brutal na pinatay sa Naga

Dalawang magkapatid na babae, brutal na pinatay sa Naga

Patuloy ang malawakang manhunt ng Philippine National Police (PNP) Bicol matapos matagpuang patay ang dalawang magkapatid sa magkaibang lugar sa Naga City, Camarines Sur noong Disyembre 7, 2025.

Unang nadiskubre ang bangkay ni Claudette Divinagracia, 27, sa Barangay Concepcion Grande, na may matinding sugat sa katawan at naputol na kanang braso. Makalipas ang ilang oras, natagpuan naman sa Barangay Concepcion Pequeña ang kapatid nitong si Kiela Divinagracia, 25, na may mga saksak sa dibdib.

Itinuturing na pangunahing suspek ang live-in partner ni Claudette na si Mar, 35, residente ng Concepcion Pequeña. Tinitingnan ng mga imbestigador ang crime of passion bilang posibleng motibo. Nananatiling at large ang suspek at iniulat na nagpadala pa umano ng mensahe ng pagsisisi sa kanyang mga magulang.

Ayon kay PRO5 Acting Regional Director PBGen. Erosito Miranda, naka-activate na ang full-scale manhunt ng Naga City Police Office. Pinaigting na ang mga checkpoint, nagdagdag ng personnel, at nakikipag-ugnayan na rin sa mga karatig-lugar habang nagpapatuloy ang CCTV backtracking at pagkalap ng karagdagang ebidensya.

Problema sa DPWH, ibang level kaysa Covid—Dizon

Tiniyak ni PBGen. Miranda na gagamitin ng PNP Region 5 ang lahat ng available na resources upang maaresto ang suspek at maibigay ang hustisya sa mga biktima at sa kanilang pamilya.

Hinimok ng pulisya ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung may makakita o may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek.