Lumutang ang makulay na kultura ng Mindanao sa inirampang Maranao Sarimanok-inspired costume ni Chelsea Fernandez sa Miss Cosmo 2025, sa Vietnam.
Sa kaniyang Instagram post noong Linggo, Disyembre 7, ibinahagi ni Chelsea na ang Maranao Sarimanok ay sumisimbolo sa kasaganahan, gabay, at ispiritwal na lakas.
Sa pamamagitan din ng makukulay at matitingkad na patterns at accents sa kaniyang costume, layon nitong maipakita ang mayamang kultura ng mga Pilipinong muslim.
“This Carnival costume brings Filipino Muslim heritage to life through vibrant rainbow plumage, gold accents, and intricate okir patterns,” saad ni Chelsea.
“Aligned with Miss Cosmo’s mission to uplift cultures and empower voices, the design embodies Impactful Beauty by showcasing the Philippines’ rich artistry with purpose and pride,” aniya pa.
Base sa Instagram post ng The Miss Philippines noong Linggo, Disyembre 7, si Chelsea ay nakapasok sa Top 17 ng Miss Cosmo National Costume Competition.
Sa kasalukuyan, pinangungunahan ni Chelsea ang Cosmo People’s Choice, kung saan mayroon na siyang higit tatlong milyong boto.
Sinundan ito ng bansang El Salvador sa Top 2, at Vietnam sa Top 3.
Nakatakdang ganapin sa Disyembre 20 ang coronation night ng Miss Cosmo 2025.
Matatandaang nirepresenta na rin ni Chelsea ang Pilipinas sa Miss Globe 2022, kung saan, nasa Top 15 siya.
Sean Antonio/BALITA