December 16, 2025

Home BALITA

Buwelta ni VP Sara sa mga mambabatas: ‘Stop hiding behind the language of good governance’

Nanawagan si Vice President Sara Z. Duterte sa mga mambabatas at grupong umano’y nagsasamantala sa impeachment process sa ngalan ng “good governance.”

Sa kaniyang pahayag nitong Disyembre 8, sinabi ni Duterte na ang paulit-ulit na paglitaw ng impeachment moves laban sa kaniya ay bahagi ng isang pattern na hindi na umano bago at may kaugnayan sa politika at pondo. 

Ngunit binigyang-diin niyang higit na nakababahala ang umano’y pagpapanggap ng ilan na ang kanilang mga hakbang ay para sa “good governance.”

“To those who continue to exploit the impeachment process, stop hiding behind the language of ‘good governance,’” ani Duterte.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Ipinunto rin ng Pangalawang Pangulo ang mga naunang rebelasyon nina Sen. Chiz Escudero at Rep. Toby Tiangco na noong Pebrero 2024 ay may nanghihikayat ng pirma para sa impeachment kapalit ng budget allocations—isang indikasyong, ayon sa kanya, naglalantad sa tunay na motibo ng mga nasa likod ng proseso.

“Their statements have unmasked the truth that the impeachment complaint against me was never really driven by principle but by price,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na sa kabila ng mga alegasyong maling paggamit ng pondo para umano sa political warfare, walang naganap na imbestigasyon upang managot ang sinuman sa pagwaldas ng bilyon-bilyong piso.

Kaugnay nito, sinupalpal din niya ang naturang mga balita sa panibagong impeachment at iginiit na hindi na raw ito ikinagulat. 

“The latest pronouncement by some members of the House of Representatives on a new impeachment complaint is not surprising. Its timing reveals a pattern that has become all too familiar,” ani Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: 'Not surprising!' VP Sara, binoldyak umano'y bagong impeachment case sa kaniya