December 11, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Alamin: Ang pinagkaiba ng September 8 at December 8 tungkol kay Mama Mary

Alamin: Ang pinagkaiba ng September 8 at December 8 tungkol kay Mama Mary
Photo courtesy: Vatican (website), Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception (website)

Ang mga petsang Setyembre 8 at Disyembre 8 ay parehong may kaugnayan sa ina ni Hesu-Kristo na si Maria o Mary. 

Ano nga ba ang pinagdiriwang sa dalawang petsang ito?

DISYEMBRE 8

Siyam na buwan bago ang kaniyang kapanganakan, ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang paglilihi kay Maria sa sinapupunan ng kaniyang ina na si Saint Anne. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘holiday blues’ at paano ito malalagpasan?

Ang pagdiriwang na ito ay tinawag bilang Feast of the Immaculate Conception of the Virgin Mary sa kasalukuyan. Isa rin itong special nonworking holiday sa Pilipinas, kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act No. 10966 na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 28, 2017. 

Sa isa sa mga pahayag ng Vatican tungkol sa kasaysayan, inapubrahan ang pistang ito noong 1476 ni Pope Sixtus IV at pinalawak ni Pope Clement XI sa mga simbahan noong 1708. 

Ang pistang ito ay nagbibigay-paggalang at paggunita sa naging kontribusyon ni Maria sa kasaysayan ng kaligtasan ng mundo. 

Maki-Balita: ALAMIN: Ano ang ‘Inmaculada Concepcion’ at bakit ito mahalaga sa kulturang Pinoy?

SETYEMBRE 8 

Bagama't hindi nakasulat sa Bibliya, ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ang kapanganakan ni Maria sa petsang ito. 

Ayon sa Vatican, ang kapanganakan ni Maria ay ipinagdiriwang mula pa noong ika-4 na siglo. Ito raw ay nauugnay din sa pagtatayo ng Saint Anne Basilica sa Jerusalem sa lugar ng bahay nina Joachim at Anne, kung saan pinaniniwalaang ipinanganak si Maria.

Dagdag pa ng Vatican, ito rin ang pangatlong kapistahan ng kapangakan sa Kalendaryong Romano: Ang kapanganakan ni Hesus, ang Anak ng Diyos; ang kapanganakan ni San Juan Bautista; at ang kapanganakan ni Maria.