Nagpaabot ng isang diretsahang mensahe ang dating “Sexbomb” dancer na si Weng Ibarra matapos niyang yakapin at himasin ang katawan ng dating miyembro ng “Sexballs” at ngayo’y aktor na si Wendell Ramos sa ginanap na Sexbomb Girls reunion concert kamakailan sa Araneta Coliseum.
Sa ibinahaging social media post ni Weng nitong Linggo, Disyembre 7, sinabi niyang ang kaniyang ginawa ay para sa mga Pilipinong pinalaki umano ng sexbomb.
“Wag po.mainggit dahil habang ginagawa ko yan. Ang nasa isip ko talaga para ito sa mga PINALAKI NG SEXBOMB! Ako lang representative nyo. Walang malisya yan Pramis,” saad ni Weng sa kaniyang post.
Photo courtesy: Weng Ibarra/FB
Umani naman ang nasabing post ng mga reaksyon at komento mula sa netizens.
“Ayoko na nga magcomment dyan sa reaction mo mahirap na…nagkakasala ako eh…Weng Ibarra”
“Humabol kp sa meme of the year mima”
“Ang gagaling nyo wlang kupas”
“MA THANKYOU..NAIHIMAS MO KAMI KAY WENDELL..ILABYU TALAGA”
“Sa paghimas mo idol naramdaman den namen hahahhaahhaa Ikaw na bahala dyn”
“Biglang naiba yung katauhan mopo nung c wendel ramos na ang sumayaw”
“Wag kana magpaliwanag ma.. Ramdam ka naming lahat…”
Maging ang aktor na si Wendell ay nagkomento rin sa nasabing post ng dating sexbomb dancer.
“Congratulations again sexbomb! Thanks Weng Ibarra,” komento ni Wendell.
Photo courtesy: Weng Ibarra/FB
Matatandaang kalat na rin ngayon sa social media ang reaksiyon ni Weng matapos sumayaw sa entablado si Wendell, kung saan tila naloka siya nang magsimulang humataw ang aktor.
Photo courtesy: Wendell Ramos/FB via Juv&Abs/FB
Nagsimulang umusbong ang karera ng Sexbomb dancers sa industriya matapos ang kanilang araw-araw na paglabas sa noontime TV show na “Eat Bulaga,” at ang pagbida nila sa afternoon soap na “Daisy Siete.”
Vincent Gutierrez/BALITA