Tila may babala si dating presidential spokesperson Harry Roque kay Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa tungkol sa umano'y arrest warrant laban sa kaniya mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa Facebook post ni Roque bandang 9:53 ng gabi ng Linggo, Disyembre 7, sinabi niyang naka-out na raw ang arrest warrant laban sa senador, na halos isang buwan na ring hindi nagpapakita sa Senado, simula nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may kopya na siya ng warrant of arrest laban sa senador.
"Sen Bato, your warrant of arrest is out!" anang Roque.
"Hwag ka pa- kidnap! Insist that you have the right to be brought [before] a Philippine Court first!" dagdag pa niya.
Photo courtesy: Harry Roque/FB
Matatandaang kamakailan lamang, iginiit at ipinagdiinan ni Remulla na talagang may arrest warrant na ang ICC laban sa senador.
Kaugnay na Balita: 'Hintay-hintay lang!' ICC, may tinatapos lang saka isisilbi arrest warrant kay Sen. Bato—Ombudsman Remulla