December 12, 2025

Home BALITA

VP, Sara 'di bet ang panawagang 'BBM Resign'—Bondoc

VP, Sara 'di bet ang panawagang 'BBM Resign'—Bondoc
Photo Courtesy: MB File Photo, Balita File Photo

Tutol umano si Vice President Sara Duterte sa panawagan ng mga indibidwal at grupo na pagbitiwin sa posisyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ayon kay singer-songwriter at dating senatorial aspirant Jimmy Bondoc.

Sa latest episode ng “Politika All The Way” ng One PH noong Sabado, Disyembre 6, binanggit ni Bondoc na hindi umano nagustuhan ng Bise Presidente nang umalingawngaw ang “BBM, Resign!” 

“I think, I'm authorize to say this, pero no'ng nagkakaroon ng mga BBM resign na call, she didn't like it," ani Bondoc. 

Dagdag pa niya, "[C]ontrary to the popular opinion na parang gutom na gutom daw siya sa power.”

ChatGPT, pinakakasuhan dahil umano sa pag-usbong ng kaso ng ‘murder, suicide attempt'

Ayon kay Bondoc, mas gusto umano ni VP Sara na matapos ang termino ng Pangulo upang matanto ng publiko ang umano’y “final Marcos mistake.”

Ngunit matatandaang sa isang panayam kamakailan ay tila handa ang Bise Presidente na humalili bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Ito ay sa gitna ng isyu ng korupsiyon at napipintong destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr.

“Of course, there's no question about my readiness,” saad ni VP Sara. “I presented myself to you when I was a candidate for vice president, with the understanding that I am the first in line in succession.”

Maki-Balita: VP Sara sa kahandaang maging pangulo: ‘At binoto n’yo ako knowing I’m in the first in line’