Ibinuking ng VMX actress na si Chelsea Ylore ang dalawang politikong nag-alok umano sa kaniya ng indecent proposal.
Sa isang episode kamakailan ng podcast ni Tiyo Bri na pinamagatang “Ang Sikreto ni Chelsea Ylore,” nausisa ang VMX actress kung nakatanggap ba siya ng alok na sex kapalit ng pera.
“Madami,” sagot ni Chelsea. Politiko umano ang karamihan. Dalawa umano sa mga ito ay mayor at senador.
Dagdag pa niya, “Mayro’n ako naka-ano dati na mayor. Sikat siya na mayor, actually.”
Ayon kay Chelsea, nasa North Luzon umano ang balwarteng pinamumunuan ng alkalde. Nasa pagitan umano ng 50 at 60 ang edad nito sa tantiya niya.
Umabot umano sa ₱150,000 ang inalok nitong presyo makatalik lang siya sa loob ng isang gabi. Samantala, ₱250,000-₱300,000 naman ang tip na ibinibigay umano sa kaniya ng humihirit na senador.
Sey tuloy ni Chelsea, “Tip pa lang paldo na!”
Ibinigay pa ng VMX actress ang unang letra ng pangalan ng senador at ang ikalawa sa huling letra ng apelyido nito. Todo hula naman ang mga netizen sa inilatag na clue ni Chelsea.