December 13, 2025

Home BALITA

'Pambihira ang mga troll!' Padilla rumesbak para kay Guanzon

'Pambihira ang mga troll!' Padilla rumesbak para kay Guanzon
Photo Courtesy: Robin Padilla, Bing Guanzon (FB)

To the rescue si Sen. Robin Padilla kay dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon matapos kumalat ang video nito ng pagwawala sa isang mall sa Makati City dahil sa nakaalitang Chinese national, gabi ng Sabado, Disyembre 6.

Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Linggo, Disyembre 7, pinangatwiranan niya ang ginawa ni Guanzon bilang pagtatanggol umano sa karapatan ng mga Pilipino. 

“Walang sinuman na dayuhan ang maaring magpalabas sa kahit na sinong Pilipino sa kahit saang lugar sa sarili niyang bansa may ubo man o wala,” saad ni Padilla.

Ayon sa senador, dapat pa nga raw magpasalamat ang dayuhan dahil hindi ito kinuyog sa kayabangan nito sa paninita sa isang senior citizen.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Dagdag pa niya, “Pambihira din ang mga troll ano, kapag mga kakulay ninyo ang may mga pahayag laban sa pagmamalabis ng mga tsino sa EEZ sa WPS halos gawan niyo ng kanta sa papuri, ito ngayon nagmalabis ang Isang tsino sa isang Filipino senior citizen sa loob na mismo ng teritoryo na ng Pilipinas, ang ibashing niyo yun Filipino senior citizen dahil lumaban.”

Samantala, nagbigay na naman ng paliwanag si Guanzon kaugnay sa pagwawala niya sa mall sa pamamagitan ng isang Facebook post. 

Aniya, nagsimula umano ang lahat ng ito dahil sa ubo. 

Maki-Balita: Nag-ugat sa ubo! Rowena Guanzon, ipinaliwanag bakit na-beast mode, nagwala sa mall