December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nagpaalam kami!' Ivana hinarap netizen na na-bash, nagreklamo dahil sa 'buntis' vlog niya

'Nagpaalam kami!' Ivana hinarap netizen na na-bash, nagreklamo dahil sa 'buntis' vlog niya
Photo courtesy: Ivana Alawi (YT/FB)

Nakaharap na ng Kapamilya star-vlogger na si Ivana Alawi ang netizen na nagreklamo laban sa kaniya at umano’y nakaranas ng pambabatikos matapos mapanood ang viral “buntis” social experiment vlog niya kamakailan.

Sa naturang vlog, nagkunwari si Ivana na isa siyang buntis na humihingi ng tulong sa lansangan upang subukin ang kabutihan ng loob ng mga tao. Isa sa mga nalapitan niya si "Vio" subalit ang talagang tumulong sa kaniya ay si "Hesus" na isang matandang lalaking palaboy.

Dahil daw sa nabanggit na vlog, nakatatanggap ng bashing ang netizen dahil sa hindi raw niya pagtulong sa "buntis" na si Ivana.

May mga nagpayo pa kay Vio na magsampa ng reklamo laban kay Ivana matapos umanong malabag ang "data privacy."

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Kaugnay na Balita: 'Na-bash sa social experiment!' Lalaking nahagip sa vlog ni Ivana, nagreklamo

Nitong Linggo, Disyembre 7, naglabas ng post si Ivana kalakip ang larawan nila ng netizen.

Nilinaw ni Ivana na bilang isang content creator na matagal nang gumagawa ng street pranks, mahigpit nilang sinusunod ang patakarang humingi ng pahintulot sa mga taong ipapakita sa vlog na hindi naka-blur. Ayon sa kaniya, sa nasabing “Buntis” prank, marami ang sinadya nilang i-blur sa umpisa at gitna ng video dahil hindi sila nakakuha ng consent.

Ipinaliwanag din ni Ivana na ang lalaking nagreklamo ay hindi naman tumanggi nang sila ay humingi ng pahintulot na isama ito sa vlog. Aniya, sadyang naunahan lamang umano ang lalaki ng isa pang tumulong na kinilalang si “Kuya Hesus,” kaya dito napunta ang kaniyang atensyon sa aktuwal na eksena.

Ibinahagi rin ni Ivana na ipinakita nila sa lalaki ang raw footage ng kanilang vlog kung saan makikitang pumayag ito na maipalabas sa video. Ayon pa sa aktres, inamin ng lalaki na nakalimutan lamang niya ang naturang pangyayari at humingi na rin ito ng paumanhin.

Lumabas din umano na ang reklamo ay dulot ng panunukso ng mga kaibigan ng lalaki na nanood ng vlog, kung saan sinasabing “sayang ang ₱100,000” na dapat sana ay napunta sa kaniya, ngunit naibigay ito kay Kuya Hesus.

Mariin namang iginiit ni Ivana na para talaga kay Kuya Hesus ang tulong dahil sa kabutihan ng puso na kaniyang nasaksihan at naranasan mismo sa aktuwal na sitwasyon.

Sa huli, nagpaalala rin ang aktres sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa napapanood sa social media. Aniya, mahalagang pakinggan ang magkabilang panig ng kuwento bago humusga.

“Tandaan po na laging may dalawang side ang kwento," ayon sa mensahe ni Ivana.