December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Na-bash sa social experiment!' Lalaking nahagip sa vlog ni Ivana, nagreklamo

'Na-bash sa social experiment!' Lalaking nahagip sa vlog ni Ivana, nagreklamo
Photo courtesy: Screenshot from Ivana Alawi (YT)

Usap-usapan sa social media ang Facebook post ng isang netizen na direktang nakiusap kay Kapamilya star-vlogger Ivana Alawi, na kung puwedeng i-take down ang "Buntis" vlog na inupload noon pang Nobyembre 30, sa YouTube channel ng social media star.

Ayon sa post ng nagngangalang "Vio," siya raw pala ang lalaki sa vlog ni Ivana na tumangging tulungan ang gusgusing buntis na lumapit sa kaniya, na walang iba kundi ang vlogger-actress na nagpanggap lamang para sa isang social experiment.

Dahil daw sa nabanggit na vlog, nakatatanggap ng bashing ang netizen dahil sa hindi raw niya pagtulong sa "buntis" na si Ivana.

Kung babalikan ang vlog ni Ivana, siya ang lalaking nilapitan ng vlogger habang kumakain. 

Lee Victor, Iñigo Jose nagbabu na sa Bahay ni Kuya

"Hindi naman ako madumi, grabe ka naman, bakit ka lumalayo sa akin," maririnig na sabi ni Ivana.

Maya-maya, dumating naman ang isang matandang lalaking gusgusin na siya namang tumulong kay Ivana.

Mababasa sa post ni Vio noong Disyembre 5, published as is, "mam ivana. hi and kamusta , po. ako nga po pala. si (buong pangalan ng netizen) mam. ... yung isa na haging. ng vlog ni buntis content ..mam , baka pwde po. paki bura .. . ng saken mam kase po. ang. daming Ng BaVaSsh. Saken ... At Pinag Kakatuwaan At Pinag Tatawanan at ... at dinicreminate nila Na wala. ... wala Daw Po Akong Galang At Sinabihan Kupadaw Po Kaya Na Ng Didere ako At Nababahuan Sainyo ... halos Loob At Labas Ng Pag Katao. kupo Mam. .. binabastos ng nila nakapanood at Nakaka Kita Saken in Person .... Sana Naman. Man. Palinis. Po ng ... Saken Mam .. Kase. alam niyo Naman. Po Sa Sariili. Ninyo. At. sa Ginawa Ninyo Content Vlog .. na Maayos. Kupo. Kayo PiNakiHarapan ... Ang Labas Po Kase. ... ako pa namahiya .. 20 Pesos. napong. .. binigay ng Staff. Ninyo. saken. . - ganun Pa result. .. pag Alok kuden sainyong. Kumaen . . Tssttt."

Photo courtesy: Screenshot from Vio/FB 

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May nagmungkahi pa sa netizen na puwede raw niyang sampahan ng reklamo si Ivana dahil hindi umano na-blur ang mukha niya sa vlog.

"Pa take down mo yung vid since kumikita sya dun sa vid na yun, if not kasuhan mo. May karapatan ka kase, first, pinost nya yung vid without your consent (whether it's social experiment or not - sa pagkakaalam ko pag tapos na yung social experiment magtatanong dapat kujg okay lang ba ipost mukha nung mga nasa video) second, pasok na pasok to s adata privacy act. Dun na tayo na social experiment lang at tumutulong si Ivana pero as a vlogger dapat alam nya anong gagawin. Since she doesn't have your consent to post your face in social medi dapat blur yung mukha mo."

"pwede nyo po sy ireklamo ng Data Privacy Act of 2012 (Republic Act No. 10173) dhil kau ay nababash s pagkuha ny ng video n di naka blurred ang inyong mukha."

"Or sana naka blurred nalang Ang face nyo po for his privacy. Pero if you watch the video,nag bigay talaga sya,parang nag alok pa nga sya ng sabaw. Kaso nga lang biglang dumating si Lolo,kaya parang nabaling Yung attention ni miss Ivana sa kanya. Hope,makita nya to."

"Nag alok nman nang pagkain si kuya ,then parang nabigla lang xa Yung lumapit Ang ulo ni mam Ivana kaya Sabi nya gusto mo sabaw?then bgla na dun nag offer si tatay kaya Ang attention ni Ivana dun na sa matanda.. Ivana Alawi. Pero sana namn kuya d mo nlng sinabi about Jan sa 20p hahahaha!parang iba tuloy ang tono..."

Samantala, ayon naman sa ulat ng isang lokal na pahayagan, nakikipag-ugnayan na raw ang team ni Ivana sa nabanggit na netizen, para marahil mapag-usapan ang tungkol dito.