December 13, 2025

Home SHOWBIZ

May masasampolan! Ruby Rodriguez, nanggalaiti matapos iisyung may anak sila ni SP Sotto

May masasampolan! Ruby Rodriguez, nanggalaiti matapos iisyung may anak sila ni SP Sotto
Photo courtesy: Ruby Rodriguez-Aquino/FB, Vicente Tito Sotto/FB


Tila galit na galit ang dating aktres at host na si Ruby Rodriguez matapos kumalat ang isang malisyosong balita na iniuugnay sa kaniya at sa dating co-host at ngayo’y Senate President na si Vicente “Tito” Sotto III.

Sa ibinahaging social media post ni Ruby kamakailan, nagbanta siyang ikokonsulta niya ang naturang isyu sa kaniyang abogado, matapos umanong maapektuhan nito ang kaniyang pamilya.

“[I’m] going to consult my lawyer regarding this matter. This malicious content is harming my family and innocent child. This is too much!” saad ni Ruby sa kaniyang post.

Kalakip nito ang isang screengrab ng isang post na nagsasabing inilantad na umano ni Ruby ang anak nila ni Tito Sotto.

Photo courtesy: Ruby Rodriguez-Aquino/FB

Ibinahagi naman ng netizens ang kanilang punto at sentimyento hinggil sa isyu.

“Sampulan mo Ms. Rudy. Napaka malisyoso makapag content lang.”

“Kaya nga Ms. Ruby lagi yan ganyang fake news maka likom lang nang views.”

“Grabe mga gossip!”

Lee Victor, Iñigo Jose nagbabu na sa Bahay ni Kuya

“Grabe na rin mga tao ngaun. Kung ano nlang maicontent para makahatak ng views.”

“Yes this is too much. Sobra na sa fake news!”

“Ruby, it's time to get a lawyer and sue these people. Why are they spreading lies? That's clearly defamation.”

Mababasa rin sa hiwalay na social media posts ni Ruby ang ilan pa umanong “fake news” na nagdadawit sa kaniyang pangalan. Paalala niya, i-report daw ang mga ito.

“Friends if you see post with Malicious content from sites that say Im making comments Please Report! They are all FAKE NEWS!!!! I have nothing, No business with them. Please to all do not use my name in this sarsuela just to gain views and followers. Like this one FAKE NEWS!!!!” aniya sa post.

Photo courtesy: Ruby Rodriguez-Aquino/FB

“This is so FAKE NEWS! Please Im quietly living my simple life do not even include me in this BS!!!” saad ni Ruby sa caption.

Photo courtesy: Ruby Rodriguez-Aquino/FB

Matatandaang nilisan ni Ruby ang noontime show na “Eat Bulaga,” at lumipad pa-Amerika noong 2021 upang doon na magtrabaho at mamalagi.

Vincent Gutierrez/BALITA