December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

‘May asim pa!’ Mga pinalaki ng Sexbomb, naeelya pa rin kay Wendell Ramos

‘May asim pa!’ Mga pinalaki ng Sexbomb, naeelya pa rin kay Wendell Ramos
Photo courtesy: via Wendell Ramos (FB)

Nagtilian at muling natakam ang maraming netizen sa kamachohan ng aktor na si Wendell Ramos matapos ang performance ng “Sexballs” sa "Get, Get Aww!" reunion concert ng Sexbomb Girls, na ginanap noong Huwebes, Disyembre 4, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa mga kumalat na video at larawan sa social media, makikitang hindi pa rin kumukupas ang taglay na kakisigan at sex appeal ni Wendell, kahit na may asawa't anak na.

Ayon sa mga tagahanga, mas lalo pa raw itong “sumasarap sa paningin” kahit na may edad na, dahilan upang muling mabuhay ang kilig ng mga pinalaki ng Sexbomb noong early 2000s.

Bumuhos naman ang papuri at hiyawan mula sa audience nang umakyat sa entablado ang Sexballs, na minsang naging bahagi ng kasikatan ng Sexbomb Girls noon.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Nag-viral pa nga ang naging reaksiyon sa kaniya ng isa sa mga Sexbomb Girls na si Weng Ibarra, na hindi napigilang manggigil kay Wendell.

Kaugnay na Balita: 'Wag pong mainggit!' Sexbomb Weng, tumalak matapos himasin si Wendell Ramos

Nagpasalamat naman si Wendell sa kaniyang social media post sa patuloy na suporta ng publiko. Aniya, guest lamang sila sa nasabing concert ngunit labis ang kaniyang kasiyahan sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga manonood.

“Actually guest lang kami. Thank you kina Ogie Alcasid, Michael V. at Antonio Aquitania, namiss ko kayo. Sa Sexbomb Girls, congratulations sa very successful concert! Sa lahat ng nag-cheer para sa OG Bubble Boys, salamat po. Sa lahat ng naka-appreciate sa akin, mahal ko kayo,” ani Wendell sa kaniyang post.

Dagdag pa niya, isang “blast” ang naganap na reunion at hindi niya inaasahang ganoon pa rin kainit ang pagtanggap ng publiko sa kanila.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Wala kang kupas Wendell, ang sarap mo pa rin hahaha."

"Yummy Dzaddy hahaha."

"Jusko lalake ako pero nag wet ako bigla sayo Wendell' grabe ka par!"

"Walang Kupas Graveh!"

"Nakakaelya hahahaha."

"Vampire yata ito hindi tumatanda napaka gwapo at matipuno parin"

"Grabe one of the highlights talaga walang kupas ang SEXBALLS !!! isa talaga toh sa nagpasaya samin kagabi sa Araneta."

"Nkktawa gigil n audience ah sa moves ni Wendell"

"Wala pa ring kupas ang kaguwapuhan mo!!!"