December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Jutay ba? 'Junjun' puwedeng palakihin kahit walang opera o gamot

Jutay ba? 'Junjun' puwedeng palakihin kahit walang opera o gamot
Photo courtesy: Freepik

Para sa iba, "size matters" pagdating sa ari ng lalaki dahil sa impluwensiya ng porn, machismo, at maling paniniwala na ito raw ang sukatan ng pagkalalaki at husay sa sex.

Dahil dito, nagkakaroon ng pressure, insecurities, at hindi makatotohanang expectations.

Usap-usapan ang video ng content creator-doctor na si Doc Alvin Francisco o "Doc Alvin" kung saan ipinaliwanag niya kung paano "mapapalaki" ang ari ng lalaki nang hindi kailangang sumailalim sa operasyon, o mag-take ng gamot.

Aniya, mapapalaki pa ng kalalakihan ang kanilang kaligayahan kung mababawasan ang kanilang "fat pad," o bahagi ng tiyan na nasa bandang itaas ng ari, at nasa ilalim ng bilbil. Ang tendency raw kasi, hinaharangan ng fat pad na ito ang espasyong nasa bandang itaas ng junjun.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Kaya para daw humaba tingnan ang junjun, dapat daw, matanggal ang nabanggit na fat pad.

Paliwanag ni Doc Alvin, ang mga fat pad o taba sa bilbil daw na ito ang nagiging dahilan kung bakit daw nagmumukhang maliit ang junjun.

Paano nga ba mawala ang mga tabang ito?

Payo ng doktor, kailangan daw mapaliit o mawala ito sa pamamagitan ng calorie deficit, bawasan ang mga kinakain, dagdagan ang pagkain ng mga prutas at gulay, magkaroon ng regular physical activity gaya ng ehersisyo, at pag-iwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo.

BATAY SA IBA PANG SOURCE

Batay naman sa isang artikulo ng "Healthline" na inilathala noong Pebrero 2023, ang penis stretching ay tumutukoy sa paggamit ng mga device o mga ehersisyo upang mapahaba o mapalapad ang ari.

Bagama’t maaari nitong pansamantalang mapalaki ang sukat, kaakibat din nito ang ilang panganib lalo na kung hindi ito isinasagawa nang ligtas.

Ayon pa sa artikulo, kahit may ebidensya na maaaring magdulot ng kaunting pagdagdag sa sukat ang stretching, kadalasan ay minimal lamang ang resulta at sa ilang pagkakataon ay panandalian lang. Kaya’t mahalagang magkaroon ng makatotohanang inaasahan at unawain ang tamang paraan at ligtas na teknik bago subukan ang ganitong pamamaraan sa bahay.

Nabanggit pa sa artikulo ang tinatawag na "manual stretching exercises," o paggamit ng stretching devices gaya ng penis pump.

"Research on penis stretching techniques is limited. None of the studies that have been done point to any one technique as an effective way to permanently lengthen the penis. However, a temporary increase in size may be possible," mababasa sa artikulo.

"One 2010 reviewTrusted Source reported that those who used the Andropenis stretching device saw increased size with extended daily use (up to 9 hours a day)."

"Participants used the device for 6 hours per day over the course of 4 months. They gained about 1.7 centimeters — about 2/3 of an inch — in length. There was no effect on girth," anila pa.

Saad pa sa artikulo, kung may mga tanong o alalahanin tungkol sa laki ng ari, mas mainam pa ring makipag-usap at kumonsulta sa isang healthcare professional upang maipaliwanag nila ang mga posibleng option sa pagpapahaba at kung paano ito gagawin nang ligtas.

Saad naman sa isang artikulo ng Mayo Clinic, nagbabala sila sa netizens na huwag daw magpapaniwala sa "hype" na iniaalok ng iba't ibang produkto o device para mapalaki ang ari.

"Companies offer many types of nonsurgical penis-enlargement treatments. They often promote them with serious-looking ads that include support from 'scientific' researchers," mababasa sa kanilang artikulo.

"If you look closely, you'll see that claims of how safe they are and how well they work haven't been proved. And these products may have potentially dangerous ingredients not listed on the label."

"Marketers rely on ads with people who recommend the product. Marketers also may use data that's not accurate and questionable before-and-after photos. Dietary supplements don't need approval by the U.S. Food and Drug Administration. So manufacturers don't have to prove how safe a product is or that it works," anila pa.

Paliwanag pa nila, walang garantiya at napatunayang ganap na ligtas na paraan upang palakihin ang ari. Gayunman, may ilang bagay na maaari daw gawin kung nababahala sa sukat nito.

Una, mahalaga raw na makipag-usap nang bukas sa kapareha tungkol sa nararamdaman at mga pangangailangan, kahit na mahirap itong simulan, dahil maaari itong magdulot ng mas malalim na ugnayan at mas magandang takbo ng sex life.

Pangalawa, makabubuti rin daw ang pag-aayos ng pangangatawan, sapagkat kung sobra naman sa timbang, ang sobrang taba sa tiyan ay maaaring magmukhang mas maliit ang ari kaysa sa tunay nitong sukat.

Ang regular na ehersisyo ay malaking tulong daw hindi lamang sa pisikal na anyo at kalusugan, kundi pati na rin sa lakas at tibay sa pakikipagtalik.

Higit sa lahat, at pangatlo, makipag-usap daw sa isang healthcare professional o counselor, dahil karaniwan lamang ang makaramdam ng hindi pagiging kuntento sa laki ng ari, at may mga dalubhasang handang tumulong para dito.

Sa katotohanan, hindi lamang sa laki ng ari nasusukat ang tunay na kakayahan sa relasyon at kama, kundi sa respeto, emosyonal na koneksyon, at kakayahang magmahal.