Naglabas ng isang pahayag ang Filipino boy band na BGYO hinggil sa kumakalat na litrato ng mga miyembro nitong sina Gelo at JL, kasama ang South African singer at songwriter na si Tyla.
Makikita sa mga nasabing litrato ang tila “racist captions” nito para kay Tyla, na siyang pinabulaanan ng grupo.
“Please be informed that the photos circulating online featuring Gelo and JL with Tyla are edited and falsified,” saad ng BGYO sa kanilang social media post nitong Linggo, Disyembre 7.
“The captions attached to these images were not created, or approved by the artists, and they had no knowledge of these captions,” dagdag pa nila.
Pinaalalahanan naman ng grupo ang mga sangkot sa pagpapakalat ng mga nasabing litrato. Anila, ito raw ay may karampatang parusa, na siyang nasasaad sa batas.
“We strongly warn individuals and pages involved in the creation or dissemination of false content that such actions may be subject to appropriate sanctions under applicable laws and platform policies,” anila.
Iginiit din nila na ang grupo, kasama na ang pamunuan nito, ay pinahahalagahan ang respeto at integridad—kasama na ang responsible online conduct.
“BGYO and the management uphold the values of respect, integrity, and responsible online conduct,” pagtatapos nila.
Photo courtesy: Bgyo_ph/FB
Kalakip ng pahayag na ito ang “real” at “fake” photos na binabanggit ng naturang grupo.
Photo courtesy: Bgyo_ph/FB
Nanghihingi na rin ng tulong ang BGYO upang matunton at matukoy ang tao o mga taong nasa likod ng pekeng posts na ito.
Vincent Gutierrez/BALITA