December 12, 2025

Home BALITA Metro

Dry run ng ‘modified truck ban’ sa Antipolo, sisimulan na sa Disyembre 9

Dry run ng ‘modified truck ban’ sa Antipolo, sisimulan na sa Disyembre 9
Photo courtesy: Jun-Andeng Ynares (FB)

Sisimulan na ng Antipolo local government unit (LGU) ang dry run ng kanilang ‘modified truck ban ordinance’ sa Martes, Disyembre 9, sa layong maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kanilang lungsod. 

Ayon sa pahayag ni Antipolo City Mayor Jun-Andeng Ynares, ang mga kalsadang may “total ban” o 24/7 hindi pinahihintulutan na daanan ng mga truck ay ang Olalia Road at Daang Pari.

Ang mga kalsadang may “regulated ban” mula 5:00 AM hanggang 8:00 PM at 5:00 PM hanggang 8:00 PM, maliban na lamang tuwing linggo at holiday ay ang mga:

-  Marcos Highway (mula boundary ng Cainta hanggang Padilla)

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

- Ortigas Extension (mula boundary ng Taytay hanggang Lico's Park)

- Antipolo-Teresa Road (mula Lico's Park hanggang boundary ng Teresa)

- ML Quezon Extension (mula boundary ng Angono hanggang Shopwise)

- Sen. Lorenzo Sumulong Memorial Circle (Lico’s Park to Robinsons Place Antipolo)

- Sumulong Highway (Masinag Intersection to Robinsons Place Antipolo)

- Cabrera Road (Marigman Road to Taytay Boundary via Cabrera Road)

Habang ang mga sumusunod namang kalsada ay “exempted” sa “total” at “regulated truck ban:” 

- Emergency response at utility vehicles – fire at military trucks, rescue units, heavy utility vehicles (power, water).

- Garbage at sanitation trucks

- Relief at Government Project carriers 

- Essential goods at Fuel transporters – mga truck na magdi-deliver ng mga produktong petrolyo, bigas, at mga napapanis na pagkain tulad ng  isda, gulay, dairy, poultry, at frozen meat), animal feeds, at iba pang frozen goods.

- Authorized return trips– trucks at delivery vans en route sa kanilang designated home garage sa lungsod ng Antipolo.

Ayon pa sa pahayag ng Alkalde, matapos ang dry run, ang penalties na maghihintay sa violators ay nahahati sa tatlong kategorya. 

Sa unang offense, kakailanganing magbayad ng violator ng ₱2,000; sa second offense ay ₱3,000; at sa third offense ay ₱5,000.

Kung sakaling hindi ma-settle ang Ordinance Violation Receipt (OVR) sa loob ng tatlong araw, ie-endorso ng Antipolo LGU ang naging paglabag sa Land Transportation Office (LTO) at Business Permits Licensing Office (BPLO) para sa pagpapataw ng karampatang legal na aksyon. 

Gayundin daw sa repeat violators o paulit-ulit na lalabag dito. 

Sa pagtatapos ng pahayag, sa ilalim ng kanilang “Loading and Unloading Reminder” o Section 5, City Ordinance No. 2006-238, lahat ng delivery truck na pagmamay-ari o nag-ooperate ng business establishments sa Antipolo ay inaasahang sumunod sa pagbababa ng kanilang mga kargamento, mula 11:00 AM hanggang 3:00 PM at 8:00 PM hanggang 5:00 AM ng sumunod na araw. 

Sean Antonio/BALITA