Walang pakiyemeng inako ng aktor na si Paolo Contis ang lahat ng kaniyang mga pagkakamali at pagkukulang sa nakaraan.
Sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” noong Sabado, Disyembre 6, sinabi ni Paolo na hindi raw niya jina-justify ang mga ginawa niyang ito.
Aniya, “Marami akong pagkukulang at marami akong mali. Alam ko ‘yon. And it happens. Hindi ko siya jina-justify, but it just happens. It could happen once. It could happen twice.”
“At sinasabi nila, ang pagkakamali, kapag dalawang beses, tatlong beses nangyari, it’s a choice. Yes, but it’s still a mistake. And habang tumatagal, mas lumalaki ‘yong consequences,” dugtong pa ng aktor.
Bukod dito, nilinaw din niyang hindi raw siya proud sa mga pagkukulang at pagkakamali niyang ito.
Ang daming nawala sa buhay, ang daming naging mali sa buhay ko. At maraming bagay na hindi ko na maibabalik. But what can I do? I have to move forward and bumawi,” saad pa niya.
Matatandaang isa si Paolo sa mga kontrobersiyal na aktor sa showbiz industry ng Pilipinas dahil sa dami ng mga babaeng naiuugnay sa kaniya.
Sa katunayan, napagkamalan pa ngang may relasyon si Paolo sa dati niyang co-host na si Arra San Agustin sa defunct noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” noong 2023.
Ngunit pinabulaanan na ito ng dalawa sa magkahiwalay na panayam.
MAKI-BALITA: Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?
MAKI-BALITA: Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa kanila ni Arra