Isiniwalat ng talent manager at celebrity mom na si Annabelle Rama ang kasalukuyang kalagayan ng mister niyang si Eddie Gutierrez.
Sa panayam ng media kay Annabelle sa ginanap na The Maddox Jewelry Gala kamakailan, nausisa ang tungkol sa Christmas plan ng kaniyang pamilya.
Aniya, “Wala, may sakit asawa ko. Babantayan ko. Wala munang party-party.”
“We are leaving for Singapore na for treatment. Lumbar, siya nakalakad na nga,” dugtong pa ni Annabelle.
Matatandaang last year ay nagsama-sama ang buong Guitierrez family sa Tokyo, Japan para ipagdiwang ang Pasko at salubungin ang Bagong Taon.
“Christmas and New Year in Tokyo with my one and only, Eduardo. Kaya happy ako. Hindi na kailangan sabihin diba? Kita nyo naman!!” saad ni Annabell sa isang Instagram post noong Disyembre 31, 2024.
Samantala, napaulat namang nagkaroon umano ng brain aneurysm si Eddie noong Enero 2025 matapos muling matunghayan sa action series na “Incognito.”
Ngunit inalmahan ito ng anak niyang si Ruffa Gutierrez at sinabing peke umano ang nasabing balita.