December 13, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘Inmaculada Concepcion’ at bakit ito mahalaga sa kulturang Pinoy?

ALAMIN: Ano ang ‘Inmaculada Concepcion’ at bakit ito mahalaga sa kulturang Pinoy?
Photo courtesy: Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception (website)

Itinuturing ng maraming Katoliko ang Disyembre 8 bilang pinakamahalagang petsa sa kalendaryo dahil dito ipinagdiriwang ang ‘Inmaculada Concepcion’ o Feast of the Immaculate Conception of the Virgin Mary, na pinaniniwalaang ipinagbuntis na walang pagkakasala.

Ang pagdiriwang na ito ay idineklarang “special non-working holiday” sa buong bansa alinsunod sa Republic Act (RA) No. 10966, bilang 78.8% o 85.6 milyon rin ang tala ng mga Katoliko sa bansa, ayon sa World Population Review. 

Dahil dito, ano ba ang teolohiya sa likod ng Immaculate Conception?

Ayon sa Catholic Answers, pinaniniwalaan sa Immaculate Conception na ipinagbuntis si Maria, ang ina ni Hesus, nang malaya sa kahit anumang kasalanan at mantsa nito. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘holiday blues’ at paano ito malalagpasan?

 Pinaniniwalaan na simula magkaroon siya ng buhay sa sinapupunan ng ina, si Maria ay malaya nasa grasya ng Panginoon, kaya malaya siya mula sa korapsyon na dala ng kasalanan. 

Kaya nakahanda siyang maging ina ni Hesus, ang messiah at tagapagligtas ng mundo mula sa kamatayan dala ng kasalanan, at kinilala rin bilang pinakabanal at pinakapinagpalang disipilo ng Panginoon simula pa ng pag-usbong ng simbahan.  

Kailan ang unang pagdiriwang ng Immaculate Concepcion? 

Ayon sa Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception, ang selebrasyong nagbibigay-pugay kay Maria ay nagsimula noong ika-7 siglo sa ilalim ng “Conception of Mary by Saint Anne.” 

Kalaunan naman itong napalitan ng titulong “Immaculate Conception” noong 1854. 

Bakit ito mahalagang gunitain? 

Ayon pa sa Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception, ang Immaculate Conception ang nagpasimula ng kaligtasan ng mga tao mula sa kasalanan at kasalukuyan na itong sentro ng doktrina ng pananampalataya. 

Ang pistang ito ay nagbibigay-paggalang at paggunita sa naging kontribusyon ni Maria sa kasaysayan ng kaligtasan ng mundo. 

Kung kaya, ang Immaculate Conception ay itinaas ng Simbahang Katoliko sa “Holy Day of Obligation” o araw na obligadong pumunta ng misa ang mga Katoliko, ayon sa kanilang Code of Canon Law. 

Paano ito pinaghahandaan sa bansa? 

Sa Pilipinas, idineklarang “Patroness of the Philippines” noong 1942 si Maria, ayon sa  Catholics and Cultures. 

Ayon sa Pambansang Museo ng Pilipinas, bukod sa mga espesyal na misa at novena na inilalaan ng mga simbahan sa buong bansa, nakaugalian na ng maraming Katolikong Pinoy na mag-alay ng mga bulaklak at halamang gamot na sumisimbolo sa dibinidad ni Maria. 

Isa sa mga inaalay kay Maria ay rose na kadalasang isinusuot sa mga santo bilang korona, na sumisimbolo sa “original sin.” 

Narito rin ang bulaklak na periwinkle na kilala rin bilang “virgin flower” na nagrerepresenta sa kulay ng kaniyang damit. 

Isa pa ay ang Lady’s Slipper o Slipper Orchids na pinaniniwalaang unang namunga nang madikit sa paa ni Maria, at bilang simbolo ng naging pagbisita niya sa pinsan na si Elizabeth, na ina ni Juan Bautista o John the Baptist. 

Sean Antonio/BALITA