Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa employers ang kaakibat na “additional pay” para sa mga manggawa na papasok sa “Feast of the Immaculate Conception” sa Lunes, Disyembre 8.
Base sa Labor Advisory No. 17, Series of 2025 ng DOLE, idinedeklara bilang “special non-working day” ang “Feast of the Immaculate Conception.”
Kung kaya, karapatan ng mga empleyado na mabayaran ng 130% ng kanilang basic wage sa unang walong oras ng kanilang pagtatrabaho.
Dapat naman daw makatanggap ng 150% ng kanilang basic wage unang walong oras ng kaninag pagtatrabaho kung ang holiday ay nasa rest day ng empleyadong papasok sa araw na ito.
Para naman sa mga empleyadong mag-oovertime sa holiday, inaabiso ng DOLE na dapat silang makatanggap ng adisyunal na 30% ng kanilang hourly rate.
Panghuli, kung ang empleyado ay hindi papasok, inaabisong dapat masunod ang “no work, no pay” policy, maliban na lamang kung ang kompanya ay mayroong polisiya na nagbibigay ng karampatang bayad tuwing holiday.
Sean Antonio/BALITA