Inanunsyo ng Miss Grand International (MGI) na maaaring lumahok ang mga kandidatang transgender women sa kauna-unahang edisyon ng MGI All Stars.
Sa ibinahaging social media post ng MGI noong Sabado, Disyembre 6, mababasa ang ilan pa sa mga detalye ng naturang all-star event.
“A global stage awaits women and trans women who have competed in any international pageant but have yet to claim the crown. Open to ages 20–40, regardless of marital status or motherhood,” saad ng MGI sa kanilang post.
Ayon pa sa MGI, gaganapin ito sa bansang Thailand, simula Enero 25, 2026 hanggang sa Pebrero 13, 2026.Ang mananalong kandidata ay iuuwi ang “All Stars Crown” at ang premyong aabot sa $100,000 hanggang $1 milyon.
Photo courtesy: Miss Grand International/FB
Mababasa naman ang excitement ng pageants fans sa anila’y “history” na ito sa mundo ng pageantry.
“who once stood on an international stage…moment to return” dapat may international pageant nang nasalihan…All star”
“This is going to be blood bath war who are we going to see fighting. I am very excited!”
“Papa Nawat,this will be going extravagant. The rise of the MGI is now happening. Choose the rightful queen to at Feb. Ingfa,MMD, Celeste,maglabasan na kayo.”
“Ma. Ahtisa Manalo laban parin manika wag kang susuko habang hindi kapa na koronahan bilang international pageant”
“grabe papa nawat!! you are leveling up the pageantry congrats to you and the mgi team!”
“Wow, $1 million prize! Sarap nman. Sali n kayo,”
Matatandaang nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Emma Mary Tiglao ang Miss Grand International 2025, kung saan nakuha ng bansa ang back-to-back victories matapos tanghalin bilang MGI 2024 si Christine Juliane Opiaza.
KAUGNAY NA BALITA: Samantha Bernardo, nag-congrats kay Emma Tiglao matapos masungkit MGI crown; nagpasaring sa korupsyon-Balita
Sa paglahok naman ng transgender women sa beauty pageants, matatandaang sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatapak sa Miss Universe stage ang isang transgender woman, matapos ipadala ng bansang Spain si Angela Ponce bilang representative ng kanilang bansa sa Miss Universe 2018 competition, kung saan naiuwi ng pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray ang korona.
MAKI-BALITA: Trans Miss U contender, gagawa ng kasaysayan-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA