December 12, 2025

Home BALITA

'Wilma,' mabagal ang pagkilos; magla-landfall sa Eastern o Northern Samar ngayong araw

'Wilma,' mabagal ang pagkilos; magla-landfall sa Eastern o Northern Samar ngayong araw
DOST-PAGASA

Bagama't may kabagalan ang pagkilos ng Bagyong Wilma, posibleng magla-landfall ito sa Eastern o Northern Samar ngayong Sabado, Disyembre 6.

Base sa 11 AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa coastal waters na Sulat, Eastern Samar. 

Taglay nito ang lakas ng hangin ng aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour. 

Sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Eastern Samar o Northern Samar ngayong araw.

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

Pagkatapos mag-landfall ay tatawirin nito ang Visayas hanggang bukas, Disyembre 7.

Pagdating ng Lunes, Disyembre 8, inaasahang nasa Sulu Sea na ito at dadaan sa northern Palawan. 

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.

LUZON
Sorsogon
Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
Romblon
Southern portion ng Oriental Mindoro
Southern portion ng Occidental Mindoro
Northernmost portion ng Palawan kabilang ang Cuyo, Calamian, at Cagayancillo Islands

VISAYAS
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Northern at central portions ng Leyte
Northern at central portions ng Cebu kabilang ang Bantayan Islands at Camotes Islands
Northern portion ng Negros Oriental
Northern at central portions ng Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique kabilang ang Caluya Islands

Samantala, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong WIlma sa Huwebes, Disyembre 11.