Tila malalim na buntong-hininga na lang ang naisagot ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagiging bukas umano sa dayalogo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa lahat ng may alalahanin para sa pagkakaisa ng mga lider ng bansa.
Ayon sa ibinahaging video ng Duterte supporter na si Alvin sa kaniyang Facebook page noong Biyernes, Disyembre 5, tinanong ng isa pang Duterte supporter si VP Sara kung bukas din ba raw itong makipag-usap sa Pangulo.
“Any reaction, Ma’am, kasi sabi po ni PBBM is willing daw po siyang makipagdayalogo sa inyo para daw po sa ikauunlad ng Pilipinas
Makikita ang ekspresyon ni VP Sara sa naturang video sa malalim nitong pagbuntong-hininga at pagngiti na lang bilang sagot sa katanungan.
Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB)
Kaugnay nito, matatandaang sinaad ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro sa isinagawa niyang press briefing noon ding Biyernes na bukas ang Pangulo sa pakikipag-usap maging kay VP Sara.
“Ang Pangulo ay open sa lahat ng gustong makipagdayalogo kahit sino na may concern at maaaring mapag-usapan,” pagsisimula ni Castro.
“Hindi lamang sa Bise Presidente, sa lahat. Open ang Pangulo sa anomang discussion for the unity sake… So kung mayroong pong pagpapahatid ng mensahe ang Bise Presidente, siguro po sa spokesperson niya na lamang ito dapat na itanong,” pagtatapos pa niya.
Samantala, wala pa naman inilalabas na pahayag ang Palasyo o si PBBM kaugnay sa reaksyon na ito ni VP Sara.
MAKI-BALITA: VP Sara, pinasalamatan China sa pagbubukas ng Bucana Bridge sa Davao City
MAKI-BALITA: 'You're the heartbeat of global Filipino pride!' VP Sara, binati OFWs para sa overseas Filipinos month
Mc Vincent Mirabuna/Balita