Muling nanariwa sa mga netizen ang isang matagal nang kumakalat na tsismis nang mag-react nang diretsahan si Optimum Star Claudine Barretto, sa matagal nang kumakalat na "urban legend" tungkol sa ate niyang si Gretchen Barretto—ang kontrobersyal na “RCBC Elevator Scandal.”
Sa nasabing kumakalat na tsismis 20 taon na ang nakalilipas, pinalayas umano ni Gretchen ang isang matandang babaeng nakasabay niya sa elevator dahil ayaw raw nitong may kasabay.
Ang plot twist pa raw: ang pinaalis umano niya ay mismong may-ari ng building, dahilan para raw i-ban si La Greta sa gusali at sa iba pang mga establishment na pagmamay-ari nito.
Pero nitong araw, sinupalpal na mismo ni Claudine ang mga nagpapakalat nito, matapos i-share ang isang artikulo.
"Sisiraan nyo Ate ko.Ngayon alam nyo na FAKE NEWS! TAGAL NA NA CLEAR NI MADAM YAN! NAKINIG BA KAYO!!! ANG INGGIT NAKAKA MATAY!!!" mababasa sa Facebook post ni Claudine.
"Mapatawad sana kayong lahat na nagkalat nyan! at sa mga nagtanggol sa Ate ko mula noon hanggang ngayon,May Godbless each & everyone of u."
Photo courtesy: Screenshot from Claudine Barretto/FB
Nilinaw naman sa Bilyonaryo ng mismong influential businesswoman at Philippine Stock Exchange director na si Vivian Yuchengco ang tungkol sa nabanggit na tsismis. Sa kaniya na mismo galing na walang katotohanan ang tungkol dito.
“The urban legend with Gretchen is fake news! And to the person who wrote it and used my face on it more than 20 years ago, I am not an old lady!!!” aniya.