December 14, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Single but ready to mingle? Enrique Gil, open magka-syota sa 2026

'Single but ready to mingle? Enrique Gil, open magka-syota sa 2026
Photo courtesy: Enrique Gil (FB)

Tila pinutol na ng aktor na si Enrique Gil ang umano’y pagkaka-intriga kamakailan sa kaniya ng netizens na mayroon na siyang karelasyon. 

Ayon sa naging ambush interview kay Enrique matapos ang grand media launch ng kanilang pelikulang “Manila’s Finest” para Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 sa Quezon City noong Biyernes, Disyembre 5, kinumpirma niyang wala raw siyang karelasyon ngayon. 

“Ngayon? Wala nga, e,” paglilinaw ni Enrique. 

Pagpapatuloy pa ni Enrique, umaasa rin daw siya na magkaroon na ng partner sa 2026 at handa siyang pumasok ulit sa relasyon. 

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

“We’ll see, we’ll see. Hopefully, maybe [in] 2026? We’ll see. I don’t know. It comes [and] I’m open,” aniya. 

Bago nito, matatandaang naintriga noon ang mga netizen kung bakit magkasama sa isang beach sa Bohol si Enrique at dating Pinoy Big Brother housemate-beauty queen na si Frank Russell.

MAKI-BALITA: May something ba? Enrique Gil at Franki Russell, naispatang magkasama sa Bohol

Sa ulat ng Fashion Pulis, makikita ang ilang screenshots nina Quen, Franki, at ilan pang mga kasama, na tila nasa isang bakasyon.

Mula naman ang mga larawang screenshots sa vlog ng isang content creator na nagngangalang "Natnat Wabe Vibes."

Buko pa rito, matatandaan ding kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pag-amin ng aktres na si Liza Soberano na matagal na silang hiwalay ni Enrique.

MAKI-BALITA: ‘He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split!

Matatandaang batay sa inilabas na series ng "Can I Come In," isang podcast-cinema-documentary sa YouTube noong Agosto 14, ipinagtapat ni Liza na wala na matagal nang tapos ang ugnayan nila ni Quen.

Sinabi ng aktres na parehas silang hindi naging matapat sa mga tagasuporta ng tambalan nilang LizQuen at matagal na rin niya umano itong gustong ipagbigay-alam sa mga tao.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, aprub sa iniisyung bagets na jowa ni Enrique Gil: 'Basta nirerespeto!'

MAKI-BALITA: Enrique, minsang naispatan sa IG live ng erpats ni Liza

Mc Vincent Mirabuna/Balita