December 13, 2025

Home BALITA National

Rep. San Fernando, pinapanagot si Recto matapos ilipat pondo ng PhilHealth sa nat’l government

Rep. San Fernando, pinapanagot si Recto matapos ilipat pondo ng PhilHealth sa nat’l government
Photo Courtesy: Eli San Fernando, Ralph Recto (FB)

Binakbakan ni Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando si Executive Secretary Ralph Recto matapos ipag-utos ng Korte Suprema na ibalik ang ₱60 bilyong excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nilipat sa national treasury ng gobyerno.

Sa latest Facebook post ni San Fernando nitong Sabado, Disyembre 6, sinabi niyang dapat umanong kasuhan si Recto sa ginawa nito.

“Dapat kasuhan itong si Ralph Recto at 'yong mga kasama niya na arkitekto ng paglipat ng pondo ng mga (GOCCs) Government-Owned or Controlled Corporations) papunta sa national government,” saad ni San Fernando.

Dagdag pa niya, “Malinaw na sinasabi ng Korte Suprema, ilegal 'yan at hindi pupwede 'yan.”

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Samantala, nanawagan naman ang kongresista sa PhilHealth na tiyaking mapupunta ang kontribusyon ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino sa dapat nitong kalagyan.

Matatandaang nauna nang pinababalik ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang pahayag noong Setyembre ang sobrang pondo ng PhilHealth.

"Gagamitin na natin ‘yan para palawakin pa ang serbisyo ng PhilHealth,” anang Pangulo.

Maki-Balita: ₱60B excess funds ng PhilHealth, ipinababalik na ni PBBM