December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pang-meryenda lang? Mariel Padilla, binakbakan sa pa-₱500 Noche Buena challenge

Pang-meryenda lang? Mariel Padilla, binakbakan sa pa-₱500 Noche Buena challenge
Photo courtesy: Screenshots from Mariel Padilla (YT)

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang ₱500 Noche Buena challenge ng TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla na mapapanood sa kaniyang latest vlog.

Disclaimer ni Mariel, na-trigger daw siya nang marinig at mabasa ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa puwede nang makabili ng pang-Noche Buena sa halagang ₱500.

Kaugnay na Balita: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI

Alam daw ni Mariel na talagang mahal ang mga bilihin ngayon dahil dalawang beses sa isang linggo raw siya naggo-grocery. Naisip daw niya, hindi raw kayang gumawa ng Noche Buena feast sa halagang ₱500. Nag-message pa raw siya sa isang taga-DTI para sabihing imposible ang sinasabi nila.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pero na-challenege si Mariel nang mapanood niya ang vlog ng isang chef na nagluto ng Noche Buena feast sa halagang iyon, at ginawa ulit ngayong 2025 sa kasagsagan nga ng isyu.

Kaya naman, nag-grocery si Mariel sa isang suking grocery store at basket lang ang ginamit niya. Ilan sa mga napamili niya ay para makagawa ng spaghetti, macaroni salad, chicken ham, at raisin gelatin naman para sa dessert.

Umabot sa ₱498.60 ang mga napamili niya at agad namang niluto sa bahay.

Matapos magluto, nakagawa si Mariel ng apat na plato ng spaghetti at macaroni salad, at walong mangkok ng raisin gelatin na may pineapple tidbits.

"I'm happy because nagawa natin. Bilang maabilidad na nanay tayo, na-stretch natin dahil ganiyan tayong mga Pilipino. We always make things work, pero may struggle, pero I think it's baka namang makakapagpasaya siya, I think it looks festive enough," ani Mariel.

Pero paglilinaw naman ni Mariel, "I am not siding with DTI and I do believe that the Filipinos deserve more, I just wanted to prove it and challenge myself that I can make ₱500 work," aniya pa.

Sa huli, wish ni Mariel na magkaroon ng masayang Pasko ang lahat.

REAKSIYON AT KOMENTO NG NETIZENS

Mababasa naman ang iba't ibang reaksiyon at komento ng netizens sa challenge ni Mariel. May mga humanga kay Mariel at sinabing gagayahin nila ito.

May mga nagsabing puwede naman talagang magawa iyon, subalit ang tanong daw, ay kung sasapat ba?

Hindi rin daw puwedeng i-assume ni Mariel na may iba pang rekados ang ibang pamilya, kagaya na lamang ng mantika, asin, at iba pa.

"Sa mayayaman tulad ni Mariel eh nakakatuwa yan. Pero ung mga naghihirap nkakaawa kc alam nila ndi tlga kasya."

"We can't assume we have the condiments, we have to add it in the costs."

"Nakakahampaslupa naman yan. We deserve better."

"Amazing how you were able to make it look full & festive. Pero talagang deserve ng Pinoy, more than 500php kasi kahit anong hirap ng trabaho parang hindi parin sumasapat. Sana sabay sabay umaahon."

"Ang gusto kung makita ay yung tga DTI mismo ang gagawa sa 500 challenge including the asin asukal mantika sa 500 budget. walang assume assume."

"Because of this, I also felt challenged to make it also happen since there are only four of us at home. But honestly, we need to remember that this is a once a year occasion, something we should be grateful for. Some of our loved ones didn’t even get the chance to celebrate it again, and that alone is a good reason for us to give our best and make the night special."

"Nag mukang sosyal Ang 500 dahil sa mga kubyertos at dining set up."

"Try niyo po miss mariel, 500 pesos na mahirap style (means assuming you are from the laylayan of the society, and dun po kayo bumili sa palengke at sa pangmasang pamilihan, bilang most of the population po ay mahihirap)."

"Noche Buena is a feast for us Filipinos, hehe, hindi ordinary midnight snack lang. Kaloka tong DTI na to!"

"Parang pangmeryenda lang!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Mariel hinggil sa mga komento sa kaniyang comment section.