December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Pagmura sa MTRCB, 'sign of frustration lang' sey ni Sassa Gurl

Pagmura sa MTRCB, 'sign of frustration lang' sey ni Sassa Gurl
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), via MB

Inilahad ng social media personality na si Sassa Gurl ang panig niya kaugnay sa pagmumura niya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Sabado, Disyembre 6, inilahad ni Sassa ang kuwento sa likod ng pelikula nilang “Dreamboi” na pinatawan ng MTRCB ng rating na X. 

Aniya, “[M]ayro’n kaming ginawang pelikula. Kasama ako do’n, ‘yong ‘Dreamboi’ nga po. [...] It’s a community film, which means tropa-tropa ‘to. Maraming magtotropa na magkakasama na gumawa ng pelikula.” 

“Tapos, na-X rated kami dalawang beses. [...] ‘O, my God! Anong nangyari? Ba’t na-X rated ng dalawang beses? [...] Samantalang wala namang ka-X-rated-X-rated sa pelikula,” dugtong pa ni Sassa.

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Kaya ang pagmumura umano niya laban sa MTRCB ay senyales lang umano ng frustration dahil mga kaibigan niya ang gumawa ng naturang pelikula. 

“‘Yong mura na ‘yon, sign of frustration lang naman siya. [...] Siyempre kasi, tayo, ‘pag may nangyayari sa atin ‘di ba na ginagawa ng gobyerno, medyo napapamura tayo,” saad ni Sassa.

Paglilinaw pa niya, “Ang atake ko d’on, minura ko ‘yong MTRCB itself. Na ‘yong mga polisiya nila is makaluma na, na hindi na akma sa panahon ngayon.”

Bukod dito, iginiit din ni Sassa na wala umanong mali sa karanasan ng mga homosekswal na tulad niya.

Matatandaang nauna nang punahin ni Ogie ang binitawang mura ni Sassa laban sa nasabing ahensya na pinamumunuan ni Lala Sotto.

Samantala, binawi rin naman ng MTRCB ang nauna nilang rating sa “Dreamboi” ni Rodina Singh matapos ang pangatlong apela nito sa ahensya.

Maki-Balita: Ogie Diaz tumalak kay Sassa Gurl matapos murahin MTRCB: 'Di puwedeng daanin sa gano'n!'