Pinagdududahan ng ilang netizens ang umano’y pagbabalikan nina Ryan Bang at Paula Huyong matapos silang maispatang magkasama sa Hola, Escolta!
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Disyembre 5, pinag-usapan nina showbiz insider Ogie Diaz kasama ang mga co-host niyang sina Tita Jegs, Mrena, at iba pa ang tungkol sa komento ng mga netizen sa pagkikita nina Ryan at Paola.
Aniya, “Ito nga, may lumabas sa Reddit. Nagkita yata ‘yong dalawa. Palabas daw ba ‘yon ni Ryan Bang ‘yong pagkikita nila?”
“Kasi kung nagkabalikan daw ‘yan, ba’t daw naka-camera si Ryan? Bakit daw mayro’n siyang camera sa harap tapos binibigyan niya ng bulaklak si Paola,” dugtong pa ni Ogie.
Kaya para tuldukan na ang kaliwa’t kanang tanong, minessage umano ni Ogie si Ryan para alamin ang totoo.
Pero ayon sa reply umano ni Ryan sa kaniya, “Mag-uusap pa po kami, Nay.”
Nauna nang inispluk ni Ogie sa isa ring episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog na totoong may problema umano ang relasyon nina Ryan at Paola.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag na nialabas ang dalawa na galing mismo sa kanila.
Maki-Balita: 'May problema nga!' Kasalang Ryan Bang, Paola Huyong tuloy pa nga ba?
Matatandaang Hunyo 2024 pa nang mag-propose si Ryan kay Paola.
Maki-Balita: Ryan Bang, engaged na sa non-showbiz girlfriend