Tila karangalan pa kung ituring ng aktor at komedyanteng si Joey Marquez na mabansagang play boy o babaero.
Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Biyernes, Disyembre 5, nausisa si Joey kung ano ang pinakamalaking misconception ng publiko sa kaniya.
“Ano po ang tingin n’yong biggest misconception ‘pag sinabing Joey Marquez?” tanong ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.
“Play boy,” sagot ni Joey. “Babaero. Sabi ko nga, O, sige. Tatanggalin ko ‘yong babaero. Would you rather be tatawagin akong lalakero?”
Dagdag pa niya, “Let’s just put it this way. I just like to have a lot of options.”
Matatandaang umabot sa 16 ang naging anak ng komedyante mula sa iba’t ibang babaeng nakarelasyon niya kabilang na sina Alma Moreno, Brenda del Rio, Francesca Siron, at Malu Quintana.
Samantala, sa halip na balakid, biyaya kung ituring ni Joey ang pagkakaroon niya ng maraming anak.
“Those are blessings, ika nga. And the responsibility of having many kids having many kids have to there always. And make sure that everybody has a good future,”