Intriga ngayon ang usap-usapang napipintong pag-file ng annulment case ng aktres at model na si Ellen Adarna sa mister nitong aktor na si Derek Ramsay.
Ayon sa inespluk ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kaniyang Showbiz Updates sa YouTube noong Biyernes, Disyembre 5, sinabi may narinig umano siyang magpapasa na raw ng annulment sa korte si Ellen kay Derek.
“Narinig ko lang naman. Hindi ko naman alam kung gaano ito katotoo…” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Totoo ba ito na magpa-file na raw ng annulment si Ellen Adarna? Ang nakarating sa atin na si Ellen daw ay nagko-contemplate na on filing case dito kay Derek Ramsay.”
Ani Ogie, tila raw na wala nang pagmamahal si Ellen kay Derek kung totoo man ang kaniyang nabalitaan.
“Kapag ganito parang wala nang love ‘yon. Parang gusto na talaga ni Ellen na mag-quit siya sa marriage nila ni Derek. Kung tama ‘yong narinig ko, ha…” paglilinaw niya.
Giit naman niya, “Contemplating naman. Puwede rin namang umatras si Ellen.”
Nilinaw rin ni Ogie na wala pa raww siyang naririnig mula sa kampo ni Derek kung totoo ang tsismis na kumakalat.
Hiling naman ni Ogie, sana raw maayos pa nina Ellen at Derek ang kanilang relasyon bago pa man ito mauwi sa annulment kung totoo man.
“Pero sana hindi ito totoo. Sana magkaayos pa rin sila… Sana mag-isip muna [sila] nang maraming beses dahil sayang naman ‘yong pinagsamahan nila,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang naglabas ng mga screenshot si Ellen laban sa kaniyang mister na si Derek hinggil sa umano'y "cheating" nito sa kaniya noon pang 2021.
MAKI-BALITA: 'Nanahimik ka na lang sana!' Ellen, nagpasabog ng mga resibo sa umano'y cheating ni Derek
Ayon kay Ellen, naganap ang nabanggit na umano'y cheating incident siyam na araw matapos ang pagiging opisyal nilang mag-jowa noong Pebrero 4, 2021.
Tila na-trigger si Ellen na isiwalat ang tungkol sa mga resibo nang magbahagi si Derek ng isang post tungkol sa marriage, sa pamamagitan ng sunod-sunod na Instagram stories.
Hindi raw ire-reveal ni Ellen kung sino ang umano'y side chick ni Derek batay na rin sa payo sa kaniya ng mga abogado niya. Pero nilinaw ni Ellen na hindi ito isa sa ex-girlfriends ng mister, kundi isa sa mga malapit na kaibigan nito.
MAKI-BALITA: 'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'
MAKI-BALITA: Hindi nag-apologize kay Ellen? Derek, 'kinulam' daw ng ex-jowa!
Mc Vincent Mirabuna/Balita