December 13, 2025

Home BALITA Metro

DOTr, may pa-libreng sakay sa darating na Disyembre 10

DOTr, may pa-libreng sakay sa darating na Disyembre 10
Photo courtesy: MRT-3 via MB

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang “Libreng Sakay” sa mga pasahero ng MRT-3 sa darating na Miyerkules, Disyembre 10, bilang pakikiisa sa International Human Rights Day

Base sa kanilang social media post, ang libreng serbisyo ay 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at 5:00 PM hanggang 7:00 PM. 

Photo courtesy: DOTr MRT-3

Sa kaugnay na ulat, patuloy ang pag-iikot ni DOTr Acting Sec. Giovanni Lopez sa iba’t ibang istasyon ng mga tren para matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero, lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero habang papalapit ang Pasko. 

Noon lamang Lunes, Disyembre 8, inanunsyo ng ahensya ang pag-arangkada ng tatlong set ng 3-car Dalian trains na may kakayahang makapagsakay ng 1,156 pasahero kada train set. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“Magandang pamasko po ito ni Pangulong Marcos, Jr.  sa mga komyuter natin kaya pinapamadali na po niya ang pag-deploy ng mga Dalian trains. Malaking bagay talaga sa komyuter ito dahil mas marami ang kapasidad nito,” ani Lopez. 

Sean Antonio/BALITA