Sinampahan ng reklamong perjury sa Office of the Ombudsman ng samahang Kontra Daya si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa pag-amin umano nito sa isang TV interview na nakatanggap siya ng ₱112 milyon donasyon sa pangangampanya noong panahon ng eleksyon.
Ayon sa complaint-affidavit na ipinasa ng Kontra Daya, sa pangunguna ng mga abogadong sina Atty. Danilo Arao, Atty. Alexander Lacson, at Dino De Leon sa tanggapan ng Ombudsman noong Biyernes, Disyembre 5, naglatag sila ng tatlong dahilan kaugnay sa mga ebidensya umano ng pag-amin ni Marcoleta ng donasyon sa pangangampanya.
Pagdidiin ng nasabing grupo, malinaw raw na nakatanggap si Marcoleta ng ng donasyon ngunit hindi niya ito inilagay sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
“On November 7, 2025, the program Sa Ganang Mamamayan, hosted by Gen Subardiaga and Nelson Lubao, aired an interview of Respondent Senator Rodante D. Marcoleta. Respondent appears regularly in the Friday episodes of the program,” mababasa sa ipinasang complaint-affidavit ng naturang grupo.
Pagpapatuloy pa nila, umabot sa 19,000 views ang naturang panayam ng Sa Ganang Mamamayan sa YouTube kung saan sinabi ni Marcoleta na nakatanggap umano siya ng ₱112 milyong donasyon bilang campaign fund noong 2015.
“On November 8, 2025, a clip of the interview was posted on YouTube and has since accumulated more than 19,000 views as of the time of writing of this Complaint. It showed Respondent discussing the source of his PHP 112 million campaign fund for the May 12, 2025 senatorial elections,” anila.
Dagdag pa nila, si Marcoleta na rin daw mismo ang nagsabi sa bandang 1:34-2:29 mark sa 3:30 ng naturang video clip sa panayam sa senador na hindi niya raw nailagay ang nasabing halaga ng donasyon dahil baka malantad ang pangalan ng mga nagbigay sa kaniya.
“Ngayon kapag naglagay ako ng figure sa contribution, mapipilitan akong magdisclose ng pangalan nila. Alam mo kung bakit? Mayroong kaakibat na kung tawagin ay Deed of Acceptance of Donation. Papaano yun kako, di eh contribution to eh. Hindi sabi nya…,” pag-uulit ng Kontra Droga sa sinabi noon ng senador.
Bukod sa naman sa perjury, nagpasa din ng complaint-affidavit kaugnay sa Omnibus Election Code sa tanggang ng Commission on Election (Comelec) ang Kontra Daya laban kay Marcoleta noong ding Biyernes, Disyembre 5, 2025.
“On November 7, 2025, a television program Sa Ganang Mamamayan was aired on Net25. Sa Ganang Mamamayan is a public-affairs show hosted by Nelson Lubao that features discussions on matters of public concern, community issues, and public service. In an interview aired on the same day, which, as of this writing, has garnered 18,205 views on YouTube, Respondent Senator Rodante D. Marcoleta explained the source of his PHP 112 million campaign fund for his senatorial bid in the May 12, 2025 midterm elections. In the show,” mababasa sa nasabing reklamo nila sa Comelec.
“Respondent expressly admitted that he received contributions to run as senator during the midterm elections but willfully chose not to declare the names of his donors, claiming that the donors requested anonymity,” pagtatapos pa nila.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Marcoleta kaugnay rito.
MAKI-BALITA: Sen. Marcoleta, pinadalhan ng 'show cause order' ng Comelec kaugnay sa ‘di nadeklarang donasyon sa SOCE
Mc Vincent Mirabuna/Balita