December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di ko napapansin!' Korina Sanchez, nagulat na nanalo palang senador si Lito Lapid

'Di ko napapansin!' Korina Sanchez, nagulat na nanalo palang senador si Lito Lapid
Photo courtesy: Screenshot from Agenda (YT)/via MB

Usap-usapan ang tila pagkabigla ni "Agenda" news anchor Korina Sanchez na nanalo palang senador noong national and local elections (NLE) ang action star na si Sen. Lito Lapid.

Sa finale ng news program noong Disyembre 4, napag-usapan nila nina Pinky Webb at Williard Cheng na co-anchors niya ang tungkol sa kung may makukulong ba bago mag-Pasko, sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, na kasalukuyang iniimbestigahan ng Independent Commission for Infrastructures (ICI).

Nabanggit din ni Lapid na nalulungkot siya sa pagkakadawit ng mga dati at kasalukuyang kasamahan sa nabanggit na anomalya.

Kaugnay na Balita: ‘Sana hindi totoo!’ Sen. Lapid, ikinalungkot pagkadawit ng ilang kasamahan sa flood control mess

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Dito ay nabanggit ni Pinky ang "kagulat-gulat" daw na pagbibigay-reaksiyon ni Lapid hinggil sa isyu.

"Kagulat-gulat din ngayong araw, si Sen. Lito Lapid nagsalita," anang Pinky.

"Ay nanalo pala siya? Nanalo? Ah... kasama pala si Sen. Lito... congrats, Sen. Lito, hindi ko napapansin, sa totoo lang," hirit naman ni Korina na ikinabigla naman ng co-anchors.

"Dapat lang!" sundot pa ni Korina.

Sey naman ni Williard, "Sa sobrang bihira niya magsalita, kaya pag nagsalita siya, balita talaga," na ikinatawa naman nila.

Ipinaliwanag naman ni Pinky ang sinabi ni Sen. Lito sa panayam ng media na nais daw niyang kausapin siya ng ICI.

"Tawagin n'yo po, tapos huwag kayong pumayag sa executive session," saad naman ni Pinky.

"Oo nga. Siguro kinukulit siya ng media," ani Korina.

Sa huli, nag-hello sila sa senador.

"Hello Sen. Lito, ngayon lang daw po nalaman ni Korina na senador po kayo," sey ni Pinky.

"Ngayon alam ko na," natatawang sagot ng broadcaster.

Matatandaang isa si Lapid sa 12 senador na nagwagi sa nagdaang halalan, kung saan, pumwesto siya sa ika-11.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Lapid tungkol dito.