January 04, 2026

Home SHOWBIZ

'Di ko naman sila tinatago!' Tom Rodriguez, kinasal na?

'Di ko naman sila tinatago!' Tom Rodriguez, kinasal na?
Photo courtesy: MB FILE PHOT, BALITA FILE PHOTO

Kinumpirma ng Kapuso actor at isa sa mga cast ng pelikulang “UmMarry” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Tom Rodriguez na kinasal na umano siya sa kaniyang non-showbiz partner at namumuhay na sila ngayon ng pribadong buhay sa bansa.

Ayon sa naging pahayag ni Tom sa ginanap na media conference ng UnMarry noong Huwebes, Disyembre 5, kinumpirma niyang kasal na siya sa kaniyang non-showbiz partner pero hindi na niya sinaad kung kailan sila nag-isang dibdib.

“Yes, I am. I won’t go [into] details… pero happy,” pag-amin niya.

Pagpapatuloy pa niya, nagkakaroon daw sila ngayon ng maraming panahon para mag-bonding ng kaniyang asawa dahil nagtutulungan sila sa mga gawaing-bahay.

Tsika at Intriga

'Na-Patrick siya in real life!' John Feir, 'umadvance' sa kasal ni Mikoy Morales

“I love it. Wala kaming house help, e, so we do everything na kami lang. So we have a lot of time to bond together and spend time to each other,” saad ni Tom.

Ibinahagi din ni Tom na hindi raw niya kayang hindi makikita ang kaniyang mag-ina sa loob ng matagal na panahon.

“Na-experience ko noong pinabalik na ko ng GMA dito after of my absences, hindi ko kaya [na hindi] sila kasama. And I don’t know how OFWs do it [because] when I get to try it for a few months, ang hirap,” pagkukuwento niya.

Pahabol pa niya, “Ayaw na naming magkahiwalay pa kahit sandali lang.”

Giit naman ni Tom, hindi raw niya tinatago sa publiko ang kaniyang mag-ina at gusto lang daw nilang mamuhay nang pribado.

“Hindi ko naman sila tinatago. Sa akin talaga, ‘yong rule ko lang, I just want to live my life privately,” paliwanag niya.

Paglilinaw naman niya, “Pero we go out. We have a community kung saan kami nakatira. We just live a normal [and] simple life. Kung ano ‘yong buhay namin noong nasa US kami, we’re trying to do same here.”

Ani Tom, gusto lang daw muna niyang mahiwalay ang trabaho at personal na buhay tungkol sa kaniya at kaniyang pamilya.

“Pero hindi naman ibig sabihin noon na parang nakakulong lang kami, nagtatago. Like, no. We wanna live a life… at the same time we don’t wanna put it out there,” giit pa niya.

Samantala, nagbigay rin ng komento si Tom kaugnay sa napipintong kasal ng kaniyang ex-girlfriend na Kapuso actress na si Carla Abellana.

“I wish them well,” pagbati ni Tom.

Matatandaang ibinahagi ni Carla sa kaniyang Instagram post noon ang litrato ng kaniyang kaliwang kamay na may singsing.

MAKI-BALITA: May pa-singsing! Carla Abellana, engaged na nga ba?

“Jeremiah 29:11: “’For I know the plans I have for you,’ declares the LORD, ’plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future.,” saad ni Carla sa kaniyang social media caption noong Lunes, Disyembre 1, 2025.

MAKI-BALITA: Tom Rodriguez, 'sanctuary' ang pamilya niya: 'My peace!'

MAKI-BALITA: Tom, hangad na mahanap ni Carla ang kaligayahan: 'Wish her well!'

MAKI-BALITA: Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!

Mc Vincent Mirabuna/Balita