Idinaan ni Sexmbomb Evette Pabalan-Onayan sa isang social media comment ang tila pahiwatig umano niya ng Sexbomb concert sa Canada.
Naunang magkomento si Evette sa Facebook Page na Ninang Jursy Sa Canada noong Biyernes, Disyembre 5, 2025. Makikita kasi sa post ng nasabing FB Page na ang larawan ng ilang kababaihan na may caption na, “Yung ibang pinalaki ng sexbomb nasa Canada na. Wala bang concert sa Canada?”
Sinagot naman ito ni Evette nitong Sabado, Disyembre 6 ng isang pahiwatig.
“Kitakits next year,” ani Evette sa comment section.
Ang comment ni Evette, ay nasunduan pa ng isang niyang shared post kung saan nag-tag na siya ng mga pangalan ng aniya’y “manager,” sabay giit na marami sa mga pinalaki ng Sexbomb ay nasa ibang bansa na raw.
“Manager Susana O. Lim, Cynthia Yapchingco marami po pinalaki ng Sexbomb asa ibang bansa,” saad niya.
Bunsod nito, tilang ilang netizens tuloy mula sa abroad ang humopya na dadayuhin sila ng nasabing 90’s girl group.
“Hong Kong please!!! Proud na pinalaki ng Sexbomb here.”
“Go na ‘yan mga idol! For sure ma-sold out ulit tix.”
“Sana ma-consider din ang Singapore, perfect arena naman para sa inyo.”
“I-world tour n’yo na please tapos dito kayo sa Japan.”
“Isama n’yo na rin ang Taiwan!!!”
“Dito din sa Italy please!!!!”
“Dumayo kayo Australia please, pride na namin si Sexbomb Aira!”
Matatandaang noon lamang Huwebes, Disyembre 4 nang idaos ang kanilang reunion concert sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City kung saan nag-sold out ang comeback concert tickets nila.
Habang sa Martes, Disyembre 9 naman ang round 2 ng Get Get Aww concert ng Sexbomb na nakatakdang isagawa sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.