December 13, 2025

Home BALITA National

Bong Revilla sa pagkadawit sa 'ghost project' sa Bulacan: 'Please pray for me and my family!'

Bong Revilla sa pagkadawit sa 'ghost project' sa Bulacan: 'Please pray for me and my family!'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nanawagan ang dating senador na si Bong Revilla na ipagdasal siya at ang kaniyang pamilya matapos pangalanang may kinalaman umano sa “ghost” flood control projects sa Bulacan. 

ng Department of Justice (DOJ) noong Biyernes, Disyembre 5. 

Ayon sa naging post ni Revilla sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Disyembre 6, mababasa ang paghingi ng dating senador ng panalangin mula sa publiko. 

“Please pray for me and my family,” saad niya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Photo courtesy: Ramon Bong Revilla, Jr. (FB)

Photo courtesy: Ramon Bong Revilla, Jr. (FB)

Kasunod nito, naglabas din ng bagong pahayag si Revilla sa kaniyang Facebook account nito ring Sabado at sinabi niyang kasinungalingan daw ang naratibong pilit ikinakasa sa kaniya. 

“Ang naratibo na pilit nilang ikinakasa laban sa akin ay hindi lamang kasinungalingan, ito’y sadyang 'di kapani-paniwala,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Ramon Bong Revilla, Jr. (FB)

Photo courtesy: Ramon Bong Revilla, Jr. (FB)

Ani Revilla, “easy target” lang daw siyang ginagamit para guluhin ang katotohanan. 

“I am an easy target being used to muddle the truth, but the truth will always come out,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Ginagamit ang aking pangalan para malihis sa katotohanan—ngunit ang katotohanan, kailanman ay hindi matatakpan.” 

Pagpapatuloy pa niya, nabuhay raw siyang hinaharap ang mga hamong ibinabato sa kaniya at hindi siya kailanman nagtago sa mga iyon. 

“I have lived my life facing all challenges thrown my way. Hindi ako tumakbo, hindi ako nagtago.  Hindi ako umurong noon, hindi ako uurong ngayon. At dahil ang katotohanan ay nasa aking panig, haharapin ko ito nang buong tapang at paninindigan,” pagdidiin pa niya. 

“Kasama kayo, nananalig akong sa huli, ang mga tunay na may sala ang mananagot—para sa hustisya at para sa bayan,” pagtatapos pa ni Revilla. 

Samantala, bukod kay Revilla, dawit din ang pangalan ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co bilang mga dagdag na mga respondents sa mga kaso ng “ghost” flood control projects na iniimbestigahan ng DOJ sa Bulacan. 

Nasa preliminary investigation na umano ang dalawa sa limang kasong nasa ilalim ng Syms Construction na sinisiyasat na ngayon ng DOJ habang ang tatlo sa mga ito ay naisumite na bilang resolusyon. 

Ayon naman kay Prosecutor General Richard Anthony D. Fadullon noon ding Biyernes, mayroon limang araw si Revilla at Co para magpasa ng counter-affidavits bilang tugon sa isyung kinakaharap nila. 

MAKI-BALITA: Bong Revilla, 'di pa nakakatanggap ng subpoena

MAKI-BALITA: Co, Revilla, Estrada, Escudero atbp., may aginaldong warrant of arrest bago magpasko—Ombudsman

Mc Vincent Mirabuna/Balita