December 12, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!
Photo Courtesy: Avengers (FB)

Muling mapapanood sa big screen ang “Avengers: Endgame” sa 2026 bago maipalabas ang kasunod nitong “Avengers: Doomsday.”

Sa latest Facebook post ng Marvel Studios noong Biyernes, Disyembre 5, inanunsiyo nila ang pagbabalik-sinehan ng nasabing pelikula.

“Avengers: Endgame — Back in theaters, September 2026,” saad sa caption kalakip ang isang teaser video.

Nakasentro ang kuwento ng “Avengers: Endgame” sa pagresbak ng grupo ng mga superhero sa supervillain na si Thanos na siyang  dahilan kung bakit nalagas ang kalahati ng populasyon sa buong uniberso gamit ang kaniyang gaunlet. 

Pelikula

Pagmura sa MTRCB, 'sign of frustration lang' sey ni Sassa Gurl

Deklarado ang naturang pelikula bilang highest-grossing film of all time sa Pilipinas noong 2019 na kumita ng ₱1,302,454,613 sa loob lang ng 9 na araw.

Samantala, nakakasa na rin sa Disyembre 2026 ang karugtong nitong “Avengers: Doomsday” kung saan matutunghayan ang pagbabalik ni Robert Downey, Jr. 

Ngunit hindi sa katauhan ng iconic character na si Tony Star/Iron Man kundi bilang si Victor Victor von Doom/Doctor Doom.

Maki-Balita: Robert Downey Jr, magbabalik sa dalawang Avengers movie