Tila naguluhan ng Kapamilya star na si Alexa Ilacad tungkol sa isang motivational post ng netizen na walang kaugnayan umano sa pagpaskil ng litrato niya.
Ayon sa ibinahagi ng post ni Alexa sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Disyembre 6, makikita ang motivational post ng uploader na may ngalang "Chimpz Fave" tungkol sa pagpapahalaga sa mga anak nila bilang magulang.
“I WILL NEVER TELL MY KIDS: That's still your aunt. That's still your grandma. That's still your cousin. That's still your family. Family is not a free pass to disrespect,” mababasa sa caption ng nasabing netizen.
Photo courtesy: Alexa Ilacad (FB)
“My children will grow up knowing they don't have to accept poor treatment from anyone -blood or not. Kindness and respect are non-negotiable, regardless of the title,” pagtatapos pa ng netizen.
Ayon naman sa caption ni Alexa sa pagbabahagi ng naturang post, kinuwestiyon niya kung ano ang koneksyon ng larawan niya sa nais sabihin ng netizen.
“Ano po konek ng picture ko sa post na ito HAAHAHAHAH ang random,” saad ni Alexa.
Dahil dito, samo’t saring reaksyon naman ang ibinahagi ng netizens sa nasabi ni Alexa.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang shared post ni Alexa:
“Gusto niya kasing "Ilacad" yung punto ng post nya sa pamamagitan ng picture mo”
“I tell mh kids that 'this is your tita Alexa Ilacad”
“Para dadami po ang share tapos bukas magiging shopee link”
“Pantone color kc soot mo color yr 2026”
“Nagulat Ako bakit ikaw Yung nasa picture ate, HAHAHA binasa ko pa Yung caption niya na curious Ako”
“Baka in those years na you were wondering where were you ay andito pala.”
“Mema lang”
“HAHAHAHAHAHAHA! Bunot ka maa.”
“Ay gagi nadamay pa nga sa rebel post keneme hahahahaha”
Sa ngayon, malapit nang umabot sa 100k reactions mula sa netizens ang ibinahaging post ni Alexa sa kaniyang account.
Mc Vincent Mirabuna/Balita