December 13, 2025

Home BALITA

'Wilma,' nasa katubigan pa rin; lugar na nasa ilalim ng wind signal no. 1, nadagdagan

'Wilma,' nasa katubigan pa rin; lugar na nasa ilalim ng wind signal no. 1, nadagdagan
DOST-PAGASA

Nadagdagan ang listahan ng mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal no. 1 bunsod ng papalapit na Bagyong Wilma sa kalupaan, ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Disyembre 5.

Base sa 11:00 AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 235 kilometro Silangan ng Borongan City, Eastern Samar. Kung saan taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-west southwestward sa bilis na 15 kilometers per hour. 

Nakataas ang wind signal no. 1 sa ilang lugar sa bansa:

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

LUZON
Southern portion of Sorsogon
Mainland Masbate kabilang ang Ticao Island

VISAYAS
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
Bohol
Northern at central portions ng Negros Occidental
Siquijor
Northern at central portions ng Negros Oriental
Eastern portion ng Iloilo
Eastern portion ng Capiz
Guimaras

MINDANAO
Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands
Dinagat Islands
Northern portion ng Surigao del Sur
Northern portion ng Agusan del Norte
Camiguin

Ayon sa PAGASA, asahan ang matinding pag-ulan at malakas na hangin sa epekto ng Bagyong Wilma.

INaasahan itong mag-landfall o dumaan sa Eastern Visayas o sa Dinagat Islands mamayang gabi o bukas ng umaga, Sabado.